Tuesday , January 14 2025
Marawi
Marawi

Madrasah ginamit sa ISIS rekrut

SINAMANTALA ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang kapabayaan ng gobyerno sa Madrasah school kaya nakapasok at nakapagpalakas ng puwersa sa Marawi City.

Ito ang inihayag kahapon ni Marawi City Mayor Jamul Gandamra sa press briefing sa Palasyo.

Sinabi ni Gandamra, nagbigay ng suportang pinansiyal ang ISIS sa mga Madrasah school upang ituro ang lihis na aral ng Islam o extremism sa mga kabataan kaya nakapagpalakas ng puwersa ang Maute Group.

“I would say na medyo mahina ang presensiya ng ating gobyerno roon, so I would say that we have to… right now we have to give more, of course attention, support. Kasi roon po nagkaroon ng gap, nagkaroon po ng opportunity ang mga grupong ito na nagbigay ng support, let’s say financial support sa schools. And they were able to inculcate some principles and ideas, using of course ang religion na Islam. And of course, deviating from the usual, iyong talagang teaching of the true essence of Islam, so iyan po ay nagkaroon ng opportunity na — itong mga vulnerable members of the society ay na-entice to join this group,” ani Gandamra.

Hindi lang aniya hinggil sa relihiyong Islam ang dapat ituro sa Madrasah kundi ang “way of life.”

Magpapasa aniya ng resolusyon o ordinansa ang Marawi City Council upang i-regulate ang Madrasah schools sa lungsod nang hindi na maging instrumentong muli ng religious extremism.

“Ang city government of Marawi City and even I think the provincial government is now in the process of passing resolutions or ordinances to re­gulate, hindi ho para i-suppress iyong freedom of edu­cation or belief, kundi para ma-guide natin sila para maiwasan natin ang nangyari sa Marawi City,” anang alkalde.

Naniniwala si Gandamra na hindi lang responsibilidad ng gobyerno ang paglaban sa terorismo kundi maging ng bawat pamilya.

Aabot aniya sa P90-B ang magagastos ng pamahalaan upang maiba­ngon ang Marawi City.

 (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

FPJ Panday Bayani

Edukasyon sa lahat, mataas na sahod sa mga guro tungo sa AmBisyon 2040 – Brian Poe

IMINUNGKAHI ng unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan party list na si Brian Poe Llamanzares …

APCU 1

PH-China Understanding, Inc. inducts new officers, members

The Association for Philippines-China Understanding Inc. (APCU) has inducted its new officers and members/associates recently. …

Dead Rape

Sa Talisay, Negros Occidental
PINAGBINTANGANG ‘SCAMMER’ PATAY NANG MATAGPUAN

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang 32-anyos babaeng pinaghihinalaang ‘scammer’ sa Hacienda Lizares, Brgy. …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
3 tulak, 4 wanted person nasakote

SA PATULOY na anti-criminality operations ng Bulacan PNP, nadakip ang tatlong hinihinalang mga tulak ng …

P46-M puslit na ukay-ukay nakompiska sa Bulacan

P46-M puslit na ukay-ukay nakompiska sa Bulacan

MATAGUMPAY na naisagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3 (RFU …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *