NAKAPIIT ngayon si Baron Geisler sa Kamuning Police Station matapos magwala sa isang restobar sa Tomas Morato, Quezon City noong Lunes ng gabi.
Ayon sa post ng abscbnnews.com, sinabi ni Supt. Christian dela Cruz,hepe ng Kamuning police station, na tinulak umano ni Geisler ang guwardiya at pinagmumura kaya naman natakot ang mga taong naroroon kaya umalis at nagtakbuhan palabas ng restoran.
Itinanggi ni Geisler ang bintang na nanggulo siya sa restobar at iginiit na i-check ang CCTV para patunayang wala siyang ginagawang mali.
Kakasuhan si Geisler ng unjust vexation at alarm and scandal.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio