Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeric Raval bagong suspek sa pagpatay kay Victor Buenavidez sa “The Good Son”

PATINDI nang patindi ang mga pasabog na eksena na napapanood sa top rating na family drama series na “The Good Son” na ngayon ay may bago na namang suspek sa paglason kay si Victor Buenavidez (Albert Martinez) na naging sanhi ng pagkamatay ng mayamang negosyante, sa katauhan ni Dado (Jeric Raval) na driver ng pa-milya.
Ramdam sa takbo ng istorya ng TGS, na anak nina Dado at Olivia (Eula Valdez) sa pagkakasala si Calvin na ginagampanan ni Nash Aguas. Kaya kung nagkasala raw noon si Victor sa misis na si Olivia sa pagpatol nito o pagkakaroon ng relas-yon kay Raquel (Mylene Dizon) na nagkaroon sila ng isang anak na si Joseph (Joshua Garcia) ay ganoon din si Olivia na baka hindi naiwasan na makipagrelasyon sa kanilang driver lalo’t madalas niya itong kasama.
Kitang-kita rin ang labis na concern ni Dado kay Calvin na siya ang nagdadala sa binata sa ospital kapag nakararanas ng depresyon. Kaya majority ng viewers ng teleserye ay iisa lang ang tanong si Dado nga ba ang totoong lumason kay Victor?
Samantala, para naman sa pangunahing bida ng The Good Son, na si Joshua, kakaibang pressure raw ang naramdaman ng Kapamilya actor sa pagkakalagay ng soap nila sa Primetime Block ng ABS-CBN2.
“Yung buong team sobrang pressured kami. Supposedly kasi Kapamilya Gold kami, tapos nabago, biglang nabago na Primetime na. ‘Yung pressure na ‘yon gagamitin namin para mas ma-motivate kami na galingan namin. Kasi ang daming nakapapanood noong oras na ganoon. Nakikita ko sa buong team na pressured kami pero hindi namin hinahayaan na maapektohan ;yung work namin, ‘yung arte namin. Nakikita ko pa rin ‘yung effort talaga. Kapag nagpadala kami sa pressure baka maapektohan lang din ‘yung show namin,” naka-smile na say pa ni Joshua.
Well, hindi nagkamali ang Dreamscape Entertainment at ang ABS-CBN sa naging desisyon nila na gawin itong Primetime dahil bukod sa tagumpay sila sa mataas na ratings gabi-gabi na umaabot sa 24% ay pawang positive reviews ang tinatanggap ng programa sa makatotohang istorya at husay sa acting ng lead cast.
Napapanood ang The Good Son, pagkatapos ng La Luna Sangre ng KathNiel sa ABS-CBN Primetime Bida.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …