CONSOLACION, Cebu – Patay ang isang babae makaraan saksakin, putulan ng ulo at tagpasan ng kamay ng kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa Brgy. Tayud sa bayang ito, nitong Linggo.
Ayon sa tiyuhin ng suspek, madalas mag-away ang mag-asawa.
Muli umano niyang narinig ang dalawang nagtatalo dakong 6:00 am kaya humingi siya ng saklolo sa barangay hall.
Maya-maya pa, nakita ng mga kapitbahay na nakahandusay sa labas ng kanilang bahay ang biktima, na putol na ang ulo at kanang kamay.
Habang napatay ang suspek nang barilin ng nagrespondeng mga pulis, ayon kay Supt. Mina Domingo, hepe ng Consolacion police.
Ayon kay Domingo, dalawang bolo ang ginamit ng suspek sa pagpaslang sa kinakasamang babae.
Naulila ng dalawa ang kanilang apat na anak.