Sylvia, itinanghal na Teleserye Actress of the Year saĀ Pep List Year 4

Ang pagkatiwalaan ako sa role na Gloria ay malaking karangalan na at ang mapansin ninyong lahat ang pinagpaguran ko ay sobra pong nakakataba ng pusošŸ˜€ā¤ļøšŸ˜€ #kapamilya maraming, maraming salamat po sa inyong lahatšŸ˜€ to my #abscbn #gmounit #tglfamily para sa ating lahat tošŸ‘šŸ‘šŸ‘salamat sa inyong lahatšŸ’‹ā¤ļøšŸ’‹ Sayo art at sa mga anak ko, salamat sa walang sawang pag iintindi pagmamahal at suportašŸ˜€ kayo ang inspirasyon košŸ’‹ā¤ļøšŸ’‹ love you my fambamšŸ˜€ Panginoong JESUS wala kang sawa sa pagbibigay sa akin ng mga surpresa mošŸ˜€ binabalik ko po sayo ang papurišŸ™šŸ™šŸ™ maraming, maraming salamat po!! #teleseryeActressOfTheYear #peplistyear4 #family #happiness #blessed #treasures #priceless #beautedermskinhauz #beautedermphilippines #beautedermambassadress #thankuLORD Have a blessed day!! @sylvianiansglobal @sylvianians_memes @ataydefamily @sylvianiansangels YahoooooošŸ™ā¤ļøšŸ™

A post shared by Jojo Atayde (@sylviasanchez_a) on



ā€œANG pagkatiwalaan ako sa role na Gloria ay malaking karangalan na at ang mapansin ninyong lahat ang pinagpaguran ko ay sobra pong nakatataba ng puso.#kapamilyaĀ maraming, maraming salamat po sa inyong lahat to myĀ #abscbnĀ #gmounitĀ #tglfamilyĀ para sa ating lahat to salamat sa inyong lahat.

ā€œSa’yo Art(Atayde) at sa mga anak ko, salamat sa walang sawang pag-iintindi, pagmamahal, at suporta kayo ang inspirasyon ko love you my fambam. Panginoong JESUS wala kang sawa sa pagbibigay sa akin ng mga sorpresa mo binabalik ko po sa’yo ang papuri maraming, maraming salamat po!!Ā #teleseryeActressOfTheYear( #peplistyear4Ā (#familyĀ #happiness Ā #blessedĀ # treasures #priceless#beautedermskin hauzĀ #beautedermphilippinesĀ  #beautedermambassadressĀ  (#thankuLORD Have a dblessed day!!( @sylvianiansglobal @sylvianians_memes @ataydefamily @sylvianiansangels( Yahoooooo,ā€Ā ang post niĀ Sylvia SanchezĀ sa kanyang social media account sa award na tinanggap bilangĀ Teleserye Actress of the YearĀ para sa programangĀ The Greatest LoveĀ mula saĀ Pep List Year 4.

Base sa report ngĀ PEP, itinanghal si Ibyang saĀ The PEP LIST Year 4Ā Editors’ Choice for Teleserye Actress of the Year.

Nakatunggali ng aktres sa parehong kategorya sina Glaiza de Castro (Encantadia), Julia Montes (Doble Kara), Lovi Poe (Someone To Watch Over Me), at Regine Velasquez (Poor Señorita).

Personal na iniabot ngĀ PEPĀ Editorial team kay Ibyang ang plaque nito sa set ng bago nitong teleserye saĀ ABS-CBNĀ sa location nito sa Bacoor, Cavite na ikinagulat ng aktres.

Pahayag ng aktres sa mga taga-PEP,Ā ā€alam ninyo po, masarap ā€˜yung pakiramdam na mapansin kami, ā€˜yung hirap namin, ā€˜yung hirap ko bilang si Gloria, masarap sa pakiramdam.ā€Ā At sabay taas ng plaque.Ā ā€Pero ito, mas masarap po ito, bonus din po ito! Kaya maraming-maraming salamat sa lahat ng naniniwala sa pag-portray ko bilang Gloria.ā€

Sabi pa,Ā ā€ito po ngayong bago kong gagawin, I’ll make sure na talagang kung nagampanan kong mabuti si Gloria, rito, sisiguraduhin kong magagampanan ko rin ito uli. Congratulations sa lahat ng staff, director, sa lahat ng GMO unit, ABS-CBN, atin ito. Thank you po.ā€

Bukod sa best actress ay nakamit din ngĀ The Greatest LoveĀ angĀ Editors’ Choice for Daytime Series of the YearĀ award.

Tinalo ngĀ TGLĀ ang mga programangĀ Doble KaraĀ (ABS-CBN),Ā Sinungaling Mong PusoĀ (GMA-7),Ā The Millionaire’s WifeĀ (GMA-7), atĀ Tubig at LangisĀ (ABS-CBN).

Ang executive producer ng TGL na siĀ Ms. Marielle de Guzman-NavarroĀ ang tumanggap ng award.

Aniya,Ā ā€after siguro ng five months na nakalipas, hanggang ngayon, nakakatanggap pa rin kami ng awards. Sobra siyang overwhelming, so thank you to everyone, ā€˜yun lang po.ā€

Dagdag naman ni Sylvia,Ā ā€basta ako, isa lang masasabi ko, ibang klase ka, Gloria.

ā€œMalaki ang binago mo sa buhay ko, and salamat, Gloria Alcantara.ā€

Nanalo rin siĀ Dimples RomanaĀ bilang Teleserye Supporting Actress of the Yearsa napakahusay nitong pagganap bilang anak na pasaway na si Amanda saĀ The Greatest Love.

Ang ganda ng taong 2017 kay Ibyang dahil sunod-sunod ang blessings, awards, at projects na dumating sa kanya kaya naman abot-abot ang pasalamat niya sa Panginoong Diyos.

Oo nga, sa tanda namin ay napasama si Ibyang saĀ Kapamilya: Deal or No Dealnitong early part ng 2017 at umere angĀ The Greatest Love, nag-guest saĀ La Luna Sangre, katatapos lang i-shoot ang indie film naĀ ā€˜NayĀ mula saĀ Cinema One OriginalsĀ na nakatakdang ipalabas ngayong Nobyembre,Ā Mama’s GirlĀ mula saRegal Entertainment, at heto nagte-taping para sa seryeng kasama ang anak na si Arjo Atayde.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan