Monday , December 23 2024

Kudeta ‘raket’ ni ‘Trilly’ (Kinita itinago sa kuwestiyonableng bank accounts — Digong)

GINAMIT ni Sen. Antonio Trillanes ang bantang kudeta sa administrasyong Arroyo sa panghihingi ng kuwarta.

Sa media interview kamakalawa, isiniwalat ni Pangulong Duterte, ang mga deposito sa banko sa ibang bansa ni Trillanes ay hindi pinaabot ng senador sa halagang magiging kuwestiyonable.

Sa ating bansa, kapag umabot sa P500,000 ang pera sa banko ay obligado nang iulat sa Anti-Money laundering Council (AMLC). “E ito money laundering but he has to prove to them…Kasi lahat ng account niya below the amount that would raise the alarm. Marunong talaga ang ano — This is a guy that we spent public — we spent public money for his education and all.  And ‘pag mag-junta, mag-coup d’etat, tapos ayan, maghingi,” anang Pangulo.

Dalawang beses nasangkot sa palpak na kudeta laban sa administrasyong Arroyo si Trillanes, una ay noong 2003 Oakwood mutiny at ikalawa ay noong 2007 Manila Peninsula standoff.

May problema rin aniyang kinakaharap si Trillanes hinggil sa Disbursement Acceleration Program (DAP) funds kaya binabatikos niya si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hindi inaaksiyonan ang mga kaso ng mga kapanalig ng Liberal Party.

“And he has a DAP problem. Believe me, he has. Kaya nga nagtataka ako kay Ombudsman, that’s why I’m criticizing her.

“Why are you so selective?” Wala kaming nakitang dilaw na ini-expose mo. The last victim na ano ninyo diyan sa partisanship was Senator Honasan, Gringo,” anang Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …