Thursday , October 28 2021

Jerico, gustong malinya sa paggawa ng action; Huhusgahan sa Amalanhig

KAHANGA-HANGA ang disiplina sa katawan ng ikatlo sa anak nina dating Governor ER Ejercito at Pagsanjan Mayor Maita Sanchez, si Jerico. Kaya naman hindi kataka-taka kung napili siya bilang Head Coach ng Nike+ Run Club Manila simula noong June 2015 hanggang sa kasalukuyan.

Brand ambassador din siya at coach ng Color Manila Challenge na siyang nagtuturo sa mga tumatakbo ng tamang training bago at pagkatapos tumakbo.

Head Coach, Nike+Run Club Run din siya at member ng DLSU Men’s Track & Field Varsity Team. Bago itoý nagwagi siya sa 8th Asia Pacific 2017 International BodyBuilding & Fitness Championship at marami pang iba na kung babanggitin naming lahat ay napakahaba na ng aming artikulo ukol sa kanya. Anyway, naikuwento sa amin ni Jerico na araw-araw ay hindi niya kinalilimutan ang mag-exercise o tumakbo kahit abala siya sa shooting o anumang trabaho. “Basta kung maaga ang call time mas aagahan ko pa ang exercise o kaya naman ay sa gabi,” anito na nang hingan naming ipakita ang abs na pinaghirapan niyaý hindi naman ipinagkait sa amin.

Tunay na ehemplo si Jerico sa pagpapaganda ng katawan at disiplina sa mga tamang kinakain.

At sa magandang pangangatawan, tama lamang na malinya nga siya sa action tulad ng kanyang amang si dating gobernador ER na pawang mga action film din ang ginagawa. Ito rin naman ang gusto niyang tahakin. Kaya tiyak na mabubuhay at magiging masigla na naman ang action film sa pagpasok ni Jerico.

Nakalabas na si Jerico sa Ben Tumbling, Asiong Salonga, General Emilio Aguinaldo, Muslim Magnum 357, Across the Crescent Moon at Mandirigma. At ngayon, bida na siya sa Amalanhig na handog ng Viva Films at VicVal Blue Sapphire Productions na mapapanood na sa Setyembre 20 at idinirehe ni Gorio Vicuna.

Ayon kay Jerico ang Amalanhig ay half human-half creature, na orihinal na nagmula sa mythology folklore na napunta sa Panay island. “It tends to be vampire because of struggle and depression,” anang binate.

Bukod sa pagiging actor, tumulong sa editing, visual effects, sequences ng events si Jerico dahil aniya, “we’re not totally satisfied sa una kaya we had to helped out sa paggawa ng pelikula. Sabi nga ng parents ko in doing movie, try to make the best, try to make some quality.”

Gagampanan ni Jerico ang isang college student na gustong tuklasin kung totoo ang Amalanhig kaya nagpunta sila ng kanyang mga kaklase sa probinsiya kung saan ito nagmula.

Bagamat maganda ang pangangatawan ni Jerico, hindi naman iyon nagamit para ipakita dahil wala siyang eksenang naka-top less. “Üsually ang mga eksena ko nakasando pero it’s a fit sando so, I think my physique here is maipakikita. At saka when it comes to horror or action films this is one way to show masculinity,” anito.

Bukod sa Amalanhig, marami pang proyektong nakapilang gagawin ang batang actor na pawang mga action film.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Aljur Abrenica, Kylie Padilla

Kylie hinamon si Aljur: Let’s do it in court

KITANG-KITA KOni Danny Vibas “LET’S do it in court na lang kung gusto mo ng …

Liza Diño, Teofista Bautista

Chair Liza nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang Lola Teofista

Rated Rni Rommel Gonzales NAGLULUKSA ang Chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza …

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Ping Lacson

Joey sinupalpal mga nagkakalat ng fake news; Solid Ping-Sotto tandem

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKATIKIM ng supalpal mula kay Joey de Leon, Eat Bulaga host ang mga …

Kris Aquino, Mel Sarmiento

Kris tinanggap ang alok na kasal ni Sarmiento; Mga kaibigang celebrities kinilig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI pa tapos ang pagpapakilig ni Kris Aquino sa kanyang fans dahil …

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding Ring

Tom at Carla opisyal ng mag-asawa

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL ng mag-asawa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kahit makulimlim ang panahon, natuloy …

Leave a Reply