Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May barangay & SK elections ba o wala!?

NAKATALI pa rin ang Commission on Elections (Comelec) sa nakatakdang kalendaryo ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections.

Hanggang ngayon kasi, wala pang batas na lumalabas kung tuloy ba o hindi ang BSK elections sa 12 Oktubre 2017.
At dahil wala pang batas na nagsasabing walang BSK elections sa nasabing petsa, tuloy din ang nakatakdang paghahain ng kandidatura mula 23 Setyembre hanggang 30 Setyembre 2017.

Bukod sa paghahain ng kandidatura, tuloy din ang pag-iimprenta ng balota para sa BSK elections. Hindi umano masasayang ang balota dahil ang BSK elections ay manual at hindi electronic.

May nakahain umano na dalawang panukala sa Senado at sa Kamara para ipagpaliban ang BSK elections hanggang Oktubre 2018 pero hanggang sa kasalukuyan, ilang linggo na lang bago 23 Setyembre, wala pang balita kung ano na ang nangyari sa nasabing mga panukala.

Mga kagulang-gulang ‘este kagalang-galang na mambubutas ‘este mambabatas, hanggang kailan po ninyo patutulugin ang mga panukalang ‘yan?

Hanggang 11:59 pm ba ng 22 Setyembre 2017?

E abalang-abala kayo sa mga walang kamatayang ‘investigations in aid of legislation’ ninyo na mukhang ginagamit na lang ninyong harassment laban sa mga political opponents ninyo…

Baka nalilimutan ninyo kung sino ang nagpapasuweldo sa inyo?!

Ang sambayanan ang tunay na boss ninyo, hindi ang mga bulsa ninyo!
Balansehin ninyo ang trabaho ninyo!

EX-CUSTOMS COMMISSIONER
PINAKAAABANGAN NGAYON
SA SENATE INVESTIGATION

FACE-OFF sa araw na ito si ex-Commissioner Nicanor Faeldon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson sa pagpapatuloy ng pagdinig sa isyu ng P6.4 bilyong shabu na nakalusot umano sa Bureau of Customs (BoC).

Sabi nga ni Faeldon, wala siyang itinatago kaya lumagda siya sa isang waiver na puwedeng busisiin ang kanyang bank accounts.

Ibig sabihin, para kay Faeldon, hindi siya natatakot dahil wala siyang Pandora Box na puwedeng sumabog anytime.

Kaya nga handa rin siyang humarap sa Senado para sa gasgas na linyang “investigation in aid of legislation.”

Kung lumagda sa waiver si Faeldon, may kakayahan din kaya ang mga nag-aakusa sa kanya na lumagda sa isang waiver para mabusisi rin ang kanilang bank accounts?!

‘Yan po ang aabangan natin ngayong araw sa Senado.

Tutok lang po, mga suki!

KALIBO AIRPORT
MAGALING MANINGIL
KAHIT SERBISYO
AY BULOK!

BILIB din naman talaga tayo sa isang opisyal sa lalawigang dinarayo ng mga turista, kapag diskarteng pagkakakitaan ang pag-uusapan.

After daw ng P700 terminal fee na sinisingil ng Kalibo International Airport (KIA), napagdiskitahan naman daw ni CAAP Airport Manager Efren Nagahaman ‘este Nagrama na mag-impose ng P20 initial parking fee and additional P10 per succeeding hours para sa lahat ng mga dumaraan sa kanyang airport!

Sonabagan!!!

Kung makikita ninyo ang pasilidad ng nasabing airport hindi kayo tatagal sa sobrang init sa loob na daig pa ninyo ang tinutusta sa pugon!

Kapag pumasok naman kayo sa comfort rooms, huwag na kayo huminga dahil baka ma-suffocate kayo sa sangsang ng amoy na galing sa naghalo-halong amoy ng mga pasahero!

Ewwsss!

E kumustahin n’yo naman ang mga sira-sirang tiles na dinaraanan ng mga pasahero?

‘Di lang miminsan na may natapilok habang naglalakad sa nasabing area.

Kaya naman para mapagtakpan ang mga nag-angatang tiles ay tinakpan nila ng pinagtagpi-tagping mga carpet kaya lalong naging kadiri to the max ang hitsura.

Huwag na natin banggitin ang super-delayed flights na inaabot ng mga pasahero sa paliparan na ‘yan.

Dahil diyan ay ‘jackpot’ ang Jollibee at Mcdo sa pagpapakain ng airlines sa kanilang pasahero every four-hour delayed flight.

Wattafak!?

Tapos ngayon, maging parking fee didiskartehan pa?!

CAAP Director General Jim Sydiongco, alam n’yo ba lahat, Sir, ang mga nangyayaring ‘yan sa KIA?!

Huwag pakaang-kaang, Sir!

REKLAMO
KAY BRGY. CHAIRMAN
RONNIE PALMOS

GOOD day po! Sumulat po aq para ireklamo ang aming kapitan si RONNIE PALMOS kung bakit ‘di po inaaksiyonan ang naglipanang drug pushers sa aming Barangay 139 Zone 15 Pasay City? Hinahayaan lng na magkalat ang adik sa aming bgy lalo n sa madaling araw nag-o-operate ang mga pushers na c DODONG ang leader na inaanak ng isang brgy official kaya may proteksyon. At isa pa bakit wala man lamang proyekto ang aming bgy, san napupunta ang pondo ng brgy? Sana po ay ma-audit ang aming brgy kung paano ginagastos ang pera ng bayan. Salamat po at more power. Email add withheld upon request.

Chairman Palmos, bukas po ang ating kolum sa inyong sagot sa isyung ito.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *