Thursday , December 19 2024

Huwag nang pakinggan si Joma — Castro

 

NAGING resource speaker sa Kapihan sa Manila Bay sa Cafe Adriatico, Malate, Maynila si Capiz 2nd District representative Deputy Speaker Frenedil Castro na malayang nakipagtalakayan sa mga isyu tungkol sa Martial Law extension, SONA ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Lunes, ang tax reform bill, Bangsangmoro Basic Law at maging ang barangay elections na muli na namang ipagpapaliban. (BONG SON)

HINDI na kailangang pakinggan si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison sa kanyang mga tirada ukol sa pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa New People’s Army (NPA) para magkakaroon ng peace agreement, ayon kay Capiz 2nd District representative Fredenil Castro sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila.

Ipinaliwanag ni Castro na batay sa mga nakalipas na kaganapan, hindi maiiwasang pagdudahan ng karamihan kung tunay ngang may kapangyarihan pa si Sison at ang mga opisyal ng National Democratic Front (NDF) sa NPA dahil sa kabila ng mga itinakdang ceasefire na pinagkasunduan ng magkabilang pa-nig ay patuloy pa rin ang ginagawang karahasan ng itinutu-ring na sandatahang puwersa ng CCP-NDF.

Naniniwala umano ang kongresista na mas makagu-gulo lamang kung bibigyan ng timbang ang mga pahayag ng grupo ni Sison dahil mararamdamang walang sinseridad sa pakikipag-usap sa government peace panel para makamit ang kapayapaan.

“Kahit may tigil-putukan ay patuloy sila (mga NPA) sa karahasan at pangingikil kaya kahit ano pa ang sabihin ni Joma (Sison) ay parang wala na itong bigat sa pagsulong ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at mga kaliwa,” aniya,

Ipinunto rin ng mambabatas mula sa Capiz na kung may ideolohiya mang ipinaglalaban ang mga NPA ay paso na ito at wala nang halaga sa kapa-nahunan natin ngayon dahil napatunayan na ito sa pagbagsak ng Unyong Sobyet at gayondin sa mga pagbabago sa People’s Republic of China (PRoC) na ngayo’y unti-unti nang lumilihis sa pagiging isang kapitalista dahil na rin sa globalisas-yon ng iba’t ibang mga eko-nomiya ng mundo.

Iminungkahi ni Castro na mas makabubuting direktang tugunan ng administrasyong Duterte ang problema sa NPA kaysa idaan sa pakikipag-ugnayan kay Sison dahil magpapaikot-ikot lamang ito kapag gayon ang ginawa.

(TRACY CABRERA)

 

About Tracy Cabrera

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *