Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Pagkasalaula ng aktres, naiuwi pa sa bahay

PASINTABI muna sa mga mambabasang nagkataong kumakain habang hawak ang kopya ng Hataw ngayon, tiyak kasing mapapa-”Yuuuuccckkk!” kayo sa kuwentong ebak na ito tungkol sa isang aktres na napapanood n’yo sa TV tuwing araw ng Linggo.

Hindi pa rin kasi malimutan ng ilang tao ang minsang naganap sa set ng ginagawa niyang pelikula. Breaktime ‘yon ng buong cast at crew ng produksiyon, may kanya-kanyang rasyon ng pagkaing nakalagay sa styrofore ang bawat isa.

Pagkakain ay nakaramdam ng matinding tawag ng kalikasan ang aktres. Dahil wala itong makitang CR na puwedeng pagparausan ng sasabog na niyang chorva, minabuti niyang tuwaran ang pinagkanang styro. Kaso, pagkatapos niyang maitawid nang maluwalhati ang kanyang problema, sa labis na pagmamadali dahil kukunan na ang kanyang eksena’y naihilera niya ang kawawang styro na ‘yon sa iba pang nakabalot na lafang.

Eto na, nang ma-pack up na ang shooting, walang kaalam-alam ang alalay niya na ibinaon ang mga patong-patong na styro at iniuwi sa bahay ng aktres. Para hindi masira’y inilagay ng alalay ang mga ‘yon sa ref.

Came dinnertime. Laking gulat with matching pagkapahiya ng aktres nang tumambad sa kanya ang mismong ebak niya! Da who ang salaula rin palang aktres na itey?

Isyogo na lang natin siya sa alyas na Ynez Edralin.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …