Tuesday , December 24 2024
road accident

Police patrol car inambus, 4 patay (Maute members ibinabiyahe)

PATAY ang apat miyembro ng Maute group makaraan tambangan ang police patrol car ng hindi nakilalang armadong kalalakihan sa Pantar, Lanao del Norte, nitong Sabado.

Kinilala ang mga napatay na sina Zulkifli Maute, Alan Solai-man, Salah Abbas, at isang alyas Gar Hadji Solaiman, na unang inaresto kasama ng ina ng Maute terrorist leaders.

Sinabi ng mga awtoridad, ibinabiyahe ng mga pulis ang apat miyembro ng Maute sa Cagayan de Oro City, para sa inquest proceedings nang sila ay atakehin.

Samantala, si Insp. William Santos, kasama sa convoy, ay nasugatan din sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

PAGKAARESTO
SA INANG MAUTE
MALAKING DAGOK
SA TERORISTA

061217 Ominta Farhana Maute

MAITUTURING na malaking dagok sa teroristang grupo ang pagkaaresto sa madre de familia ng Maute na si Ominta Romato Maute alyas Farhana, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nitong Linggo.

Sa press conference, sinabi ni Lorenzana, ang pagkaaresto kay Farhana ay nagpahina sa operasyon ng grupo, dahil sa kanyang malaking koneksiyon sa bansa at sa ibayong dagat.

“Farhana is known as the local terrorist group’s adviser, fi-nancier, and provider owing to her vast financial resources drawn locally and abroad. Aside from that, she has strong influence on the Maute children. Hence her arrest deals a severe blow,” aniya.

Si Farhana ay inaresto sa Masiu, Lanao del Sur nitong Bi-yernes ng gabi, kasama ng dalawang sugatang miyembro ng Maute at pitong hindi pa nakikilalang kababaihan.

Sinabi ni Lorenzana, nakom-piska ng mga tropa ng gobyerno ang isang M14 rifle, apat grenade rifles, at dalawang improvised rocket-propelled grenades mula sa grupo ni Farhana.

Idinagdag niyang bineberipika ng militar kung si Farhana ay nagmula sa burol ng kanyang dalawang anak na sina Madie at Omar Maute, napaulat na na-patay sa nagpapatuloy na ope-rasyon ng militar sa Marawi City.

Sinabi ni Lorenzana, si Farhana ay agad inilabas sa Lanao del Sur upang maiwasan ang tangkang pagsagip sa kanya ng mga terorista.

“If you look at the hierarchy of the Maranaoans, they respect their elders, especially the mo-ther, kaya we immediately flew Farhana out of the area,” dagdag ni Lorenzana.

Naunang naaresto ang padre de familia ng Maute na si Cayamora Maute sa checkpoint sa Davao City, kasama ng kanyang pangalawang asawa na si Kongan Alfonso Balawag, anak na babae na si Norjannah Balawag Maute at manugang na lalaki na si Benzarali Tingao.

“This couple are actually the head, and the financier and the adviser of this Maute group, kaya malaki na nakuha natin sila,” pahayag pa ng Defense chief.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *