Thursday , June 4 2026

Faeldon, Nepomuceno at Estrella magagaling na Customs official

MAGANDA ang feedback ng mga tao ngayon sa Bureau of Customs.

Malaki ang ipinagbago ng Aduana simula noong naging Presidente si Mayor Digong Duterte.

Kakaiba kasi ang mga nailagay niyang tao gaya ni BOC Commissioner Nick Faeldon na napakasipag kaya lahat ay sumusunod sa kanya. Mahigpit siya at ayaw niya ng mga kalokohan. Napakagaling niyang mamuno at napatunayan na ang kanyang kakayahan.

Hindi rin matitinag ang samahan nina BOC Depcom for Enforcement Ariel Nepomuceno at CIIS director Neil Estrella na maraming huli nga-yon at walang smuggler ang makalulusot sa kanila.

Sinisiguro lagi nila na nasa maayos na sistema ang lahat ng transaksiyon sa Aduana.

Ginagawa nila ang lahat para hindi sila mapu-laan ng Pangulong Duterte. Nakita ng tao na sila ay seryoso sa paghuli ng lahat ng ilegal na kargamento na dumarating sa bansa.

Bihasa sila pagdating sa intelligence gathering at sa enforcement.

Kamakailan lang ay nakahuli sila ng baril, mga sasakayan, drugs at mga pekeng produkto sa sunod-sunod na operasyon nila.

Hindi sila titigil hangga’t may gumagawa ng kalokohan sa Customs at sisiguraduhin nila na may paglalagyan kayo.

Mabuhay kayo Commissiuoner Faeldon, Depcom. Nepomuceno at Director Estrella!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …