Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady produ, walang dumamay nang masunugan

MASAMA pala ang loob ng isang dating lady film producer sa ilang mga taong natulungan niya noong panahong aktibo siya sa negosyo.

Ang nagsilbing tagapagsalita ng lady produ na ‘yon ay ang kanyang anak na babae na minsang naging bahagi ng kanilang maiden venture, na aksidenteng nakita ng aming source nitong nakaraaang Maundy Thursday sa isang resto sa Quezon City.

Taong 2010 pala noong masunugan ang kanilang pamilya. Natupok ang kanilang buong tahanan sa QC.

Asang-asa raw ang kanilang pamilya na dadamayan sila ng mga artistang tinulungan nilang magkaroon ng trabaho. Pero ni isa raw sa mga ‘yon ay hindi tumalima.

Sa ngayon ay nakabangon na raw sila. Balik sa dating negosyong pakikipagkontrata sa mga garbage truck ang pinagkukunan nila ng ikinabubuhay.

Da who ang lady produ na ito na sa aming pagkakatanda ay nakadalawang pelikula lang ang naiprodyus pero ang kanilang maiden projectay star-studded at tampok ang isang child actor na mahusay pero nalihis ng daan?

Itago na lang natin siya sa alyas na Vivian Revilla.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …