Sunday , May 11 2025

Alvarez, Fariñas batugang tandem sa Kamara

REFILED pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalarga ang priority bills na sinertipikahan ng Palasyo gaya ng freedom of information, panukala para tuluyang magwakas ang political dynasties, at karagdagang pension sa mga miyembro ng SSS, itinuturing na magiging landmark at legacy ng administrasyon ni Pangulong  Rodrigo “Digong” Duterte.

“Tamad kasi at batugan ang liderato nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, at ginagaya ang estilong ‘astig’ ni Pangulo,” ‘yan ang puna ng isang political observer,

“Kaya kahit magka-alyado ang Executive at Legislative branch, barado ang mga isinusulong na batas, lalo na itong mga refiled,” diin ng political observer.

Aniya ang anti-poli-tical dynasty bill ay paulit-ulit na inihahahin sa Kongreso sa loob ng 30 taon pero paulit-ulit na nabibigo dahil 74% ng mga kinatawan ay mula sa pamilya ng mga politiko.

Noong nakaraang 16th Congress inihain ito sa Mataas at Mababang Kapulungan pero natapos ang termino na hindi ito naipasa.

Sa kasalukuyan inihain ito ni Quezon City 4th District Representative Feliciano Belmonte Jr.,  sa ilalim ng House Bill (HB) Number 166  o Anti-Political Dynasty Act.

Sa batas na ito, sina-sabing namamayani ang political dynasty kung tatlo o higit pa sa magkakapamilya ang nakapuwesto nang sabay o magkasunod sa national at local post.

Ginagarantiyahan umano ng nasabing batas ang pag-iral ng kataru-ngang panlipunan na ang ibig sabihin ay pantay ang oportunidad kabilang na ang pagsisilbi sa mamamayan.

Matatatandaan na maging ang Malacañang ay nainip sa baradong pagkilos ng Kamara kaya ang freedom of information bill at SSS pension hike ay isinailalim sa Exe-cutive Order.

Kung tutuusin, po-werhouse nang maitutu-ring ang tandem nina Alvarez at Fariñas, bilang mga miyembro ng PDP Laban na pinamumunuan ng Pangulo, ngunit nakadedesmaya umano na mukhang tinutulugan ng dalawa ang kanilang tungkulin sa administras-yon ni Duterte sa partikular, at sa bayan sa ka-buuan.

Bukod sa tatlong panukalang batas, naka-binbin pa rin sa Kamara ang anti-discrimination vs the LGBT community, absolute divorce, national ID system, salary standardization law, abolishing labor contractualization, income tax reform, amyenda sa Anti-Money Laundering Law, legali-sasyon ng marijuana at amyenda sa political party system ng bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *