Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quiapo lockdown Kahapon (2 persons of interest nasa kustodiya na ng PNP)

MAHIGPIT na binatayan ng mga kagawad ng Manila Police Distirct ang mga establisiyemento at mga kalye patungo sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila kahapon (Linggo, 7 Mayo 2017) matapos ang dalawang ulit na pagsabog nakaraang Sabado ng gabi sa nasabing lugar na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng anim na kinabibilangan ng dalawang pulis. (PNA/Avito C. Dalan/BRIAN GEM BILASANO)
MAHIGPIT na binatayan ng mga kagawad ng Manila Police Distirct ang mga establisiyemento at mga kalye patungo sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila kahapon (Linggo, 7 Mayo 2017) matapos ang dalawang ulit na pagsabog nakaraang Sabado ng gabi sa nasabing lugar na ikinamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng anim na kinabibilangan ng dalawang pulis. (PNA/Avito C. Dalan / BRIAN GEM BILASANO)

INIHAYAG ng hepe ng Manila Police District (MPD) nitong Linggo, ang Quiapo district sa Maynila, ay naka-lockdown kasunod nang magkasunod na pagsabog sa erya nitong Sabado ng gabi, na ikinamatay ng dalawa katao, at ikinasugat ng anim iba pang mga biktima.

“As of yesterday naka-lock down na ang Quiapo while the post blast investigation is ongoing,” pahayag ni MPD director, Chief Supt. Joel Coronel.

Aniya, naglatag na ng checkpoints sa entry at exit points at nagtalaga ng karagdagang mga pulis sa nasabing distrito.

“We have strengthened our checkpoints and visibility sa area na ‘yan. Tututukan natin ‘yan until mahanap natin ‘yung suspects nito. Expect po na mas marami po ang visibility patrols natin at saka operations also in that area,” dagdag ni Coronel.

Ilang miyembro ng Philippine Army ang itina-laga sa Quiapo upang mapalakas ng puwersa ng mga awtoridad.

Sa kabila ng presensiya ng mga pulis at sundalo sa Quiapo, pinahihintulu-tan pa rin ang mga tao na lumabas at pumasok sa distrito.

Ilang stalls at iba pang business establishments, kabilang ang malapit sa blast site, ay binuksan na kahapon.

Samantala, sinabi ni Coronel, inaresto na ang dalawang “person of inte-rest.”

“Sila ‘yung pinaghihinalaan natin na konektado dito sa pagbsabog. Noong time na sila ay sini-ta hindi po sila makapagbigay ng convincing information bakit nandoon sila sa area. Ongoing pa ang investigation sa kanila ngayon,” ayon kay Coronel.

Aniya, ibinasura ng mga imbestigador ang posibilidad na suspek sa insidente ang taong nag-deliver ng package na naglalaman ng bomba, sa unang pagsabog.

“Kagabi sa initial investigation, ang ating hinala ay siya mismo ang suspect na nag-deliver ngunit na-verify natin na totoo po na siya ay em-pleyado ng delivery company,” aniya.

Ang empleyado ng delivery firm ay namatay sa insidente, gayondin ang taong tumanggap ng package.

Sinundan ito ng pangalawang pagsabog, na ikinasugat ng dalawang pulis habang nag-iinspeksiyon sa lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …