MAHIGIT tatlong taon nang kasal sina Jericho Rosales at Kim Jones pero mukhang wala pa sa plano nila ang pagkakaroon ng anak. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin silang baby.
“Palagi na akong natatanong niyan. There’s nothing wrong with us, there’s nothing wrong with our relationship, physical or anything like that. It’s just that mahal namin ang trabaho namin, eh,” sabi ni Echo na bida sa pelikulang Luck At First Sight mula sa Viva Films na ipalalabas na sa May 3.
Biro ni Echo, may babies na raw naman sila ni Kim sa bahay at mabalahibo ang mga ito. Na ang tinutukoy niya ay ang alaga nilang dalawang aso.
Ayaw pa ba talaga nilang magkaroon ng baby?
“I have peace and may timing kami and we have a plan. Tantiyado namin ‘yun, there’s a time for everything,” sagot ni Echo.
MA at PA – Rommel Placente