Tuesday , December 24 2024

Kasangga ko ang Russia — Digong

KASAMA ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev at navy officials ng Russia na nag-“Duterte fist” habang nasa Russian Guided Missile Cruiser “Varyag” na dumaong sa Pier 15 sa Port of Manila para sa 4-araw goodwill visit sa Filipinas. (Malacañang photo)
KASAMA ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev at navy officials ng Russia na nag-“Duterte fist” habang nasa Russian Guided Missile Cruiser “Varyag” na dumaong sa Pier 15 sa Port of Manila para sa 4-araw goodwill visit sa Filipinas. (Malacañang photo)

WALANG kinatatakutan si Pangulong Rodrigo Duterte dahil kasangga niya ang Russia.

“The Russians are with me so I shall not be afraid,” sabi ng Pangulo nang bumisita kahapon sa Russian guided missile cruiser “Varyag” na nakadaong sa Pier 15, Port of Manila.

Binigyan ng arrival honors si Pangulong Duterte ng Russian Navy Contingent.

Kasama ng Pangulo na nag-ikot sa loob ng barko, sina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., at Foreign Affairs Secretary acting Secretary Enrique Manalo.

Nakita ng Pangulo sa loob ng barkong pandigma ang short-range anti-missile rocket system, long-range anti-aircraft missile rocket system at ang pangunahing armas nito, ang long distance anti-ship missile at anti-aircraft carrier, gayondin ang museum.

Noong nakalipas na Enero, naging panauhin din ang Pangulo ng Russian anti-submarine warship Admiral Tributs, nang magsagawa ng “goodwill visit.”

Ayon kay Russian navigator Dmitry Martyshchenko, maglalayag ang Varyag sa South China Sea, at mananatili sa erya sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.

Sa susunod na buwan, tutungo si Duterte sa Russia para sa isang state visit bilang tugon sa imbitasyon sa kanya ni Russian President Vladimir Putin, nang magkita sila sa APEC Summit sa Lima, Peru noong Nobyembre 2016.

Ipinagmalaki ni Duterte, inalok ni Putin ang Russia bilang source ng lahat ng pangangailangan ng Filipinas, maging ng armas.

Dalawampung sundalo at pulis na Filipino ang ipinadala ng Pangulo para sanayin ng itinuturing na “world’s  most effective information-gathering organization” ang pamosong KGB (Komitet Gosudartsvennoy Bezopasnosti) ng Russia.

Natuwa aniya ang mga Ruso sa pagbatikos niya kay dating US President Barack Obama, at pang-aagrabyado ng Amerika sa Filipinas sa nakalipas na isang siglo.

Naging kontrobersi-yal ang KGB sa nakalipas na US presidential elections, at pinagbibinta-ngan ng Democrats na nakialam si Putin para manalo si Republican presidential bet Donald Trump laban kay Hillary Clinton ng Democrats.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *