Thursday , May 16 2024
Malacañan CPP NPA NDF

NPA dapat tapat sa ceasefire

NGAYONG tuloy-tuloy na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines (CPP), umaasa ang lahat na magiging tapat ang New People’s Army (NPA) sa gagawi nitong deklarasyo na unilateral ceasefire.

Nakadadala na kasi, dahil sa kabila ng pakikipagkasundo sa mga rebeldeng komunista, ang NPA mismo ang kadalasang lumalabag sa idineklarang tigil-putukan. Dapat ay tapat na sumunod ang NPA kung ang pamahalaan ay tumutupad nang maayos sa kanilang idineklarang ceasefire.

Pinakinggan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte  ang pagsusumamo at pagmamakaawa ng CPP na muling bumalik ang pamahalaan sa negotiating table kaya kailangan ay hindi sayangin ang pagkakataong ito ng mga rebeldeng komunista.

Kung tutuusin, maituturing na ‘basura’ ang organisasyon ng mga rebeldeng komunista kaya nga marami ang nagtataka kung bakit pa sila pinatulan ni Duterte sa kabila ng kakarampot na lang nitong kasapian.

Pagkakataon na ito ni CPP Chairman Jose Maria Sison na makipag-usap nang matino sa pamahalaan at itigil na ang mga patraydor na taktika na sisirang muli sa peace talks. Matandang hukluban na si Joma at dapat na umayos na siya sa mga huling sandali ng kanyang buhay.

About hataw tabloid

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Total ban sa sigarilyo, vape atbp nakapipinsalang produkto iminungkahi

YANIGni Bong Ramos IMINUNGKAHI kamakailan ng magkapatid na Senador Pia Cayetano at Senador Alan Peter …

Dragon Lady Amor Virata

Korek na korek Senador Bong Go

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KAMAKAILAN sa Senado, tinalakay ni Senator Bong Go ang …

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Dragon Lady Amor Virata

COS, JO employees hinimok ni PBBM, dapat kumuha  ng Civil Service exams

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAPAKAGANDA ng sinabi ni PBBM na huwag manatiling contractual …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *