Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

Malubak-lang cong nabubuking sa tabil ng dila?

THE WHO si Congressman na unti-unti na yatang naglaladlad ng ‘lihim ng Guadalupe’ ehek!

Ang lihim ng kanyang katauhan dahil na rin sa tabil ng kanyang dila?

Nito lamang nakaraang mga araw nagpunta raw si Congessman sa isang mamahaling restaurant diyan sa Tomas Morato Ave., sa Lungsod Quezon para kumain siyempre.

Natural alangan naman kaya pumunta sa resto si Cong para manood ng sine!

Har har har har!

Ang siste pagdating sa naturang restaurant, may mga empleyado ng isang munisipyo sa lalawigan ng Bulacan ang nakakita kay Sir at dahil sa sikat siya nagkaroon ng group picture.

Matapos ang photo opportunity, nagka-tsikahan pa at dito naitanong ni Congressman kung saang Distrito at sino ang kanilang Congressman.

Nang malaman kung sino ang congressman ng grupo, aba bigla ba naman nitong ibi-nida ang alindog ng kanyang kabaro sa natu-rang Distrito.

Kesyo tisoy at guwapo raw si Congressman ng Bulacan. Malinis sa katawan at maporma at ang pinakamabigat nang sabihin niyang ang bango-bango raw ng kanyang ka-mambabatas kapag pumapasok sa Kamara!

Wahahahahaha! Buchet!

Nahinto lang umano ang pagnanasa ‘este pagku-kuwento ni Cong nang mapansin niyang nagtitinginan na ang grupo!

Kung matatandaan, si Congressman din ‘yong tinalakay natin minsan na lumabas ang kanyang pagiging sireyna habang kinakausap niya ang mga kagawad ng BFP sa Kongreso.

Kasi naman pumilantik talaga ang kanyang mga kamay at baywang habang nakikipag-usap sabay kumulot-kulot pa ang boses.

Kilalanin kung sino si Congressman, hari sa talino, hari sa prinsipyo pero parang malubak ang katauhan…

Opo malubak!

Malubakla?!

Hak hak hak hak hak!

Tamang hinala!

THE WHO? Scandal – ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …