Thursday , June 4 2026

Modus: ‘Patalon’ buhay na buhay sa BoC

BUREAU of Customs (BOC) Commissioner’s office is very active in checking and placing questionable shipments under alert to verify the content and value declared to ensure the customs can collect the rightful revenue.

Pero sa kabila ng kampanya nila laban sa mga gumagawa ng katiwalian sa customs ay may  umiiral  at  nangyayari  pa ring raket sa ilang  shipment  na  napupunta sa maling section.

Ginagawa na ito sa nakaraang administras-yon at ngayon ay nag-umpisa na naman ang raket na ito.

Ang tawag sa raket na ito ay ‘patalon’ o mis-sectioning sa mga  imported item.

Inilalagay o inililipat sa ibang section ng broker sa kakutsaba nilang customs kapalit ng big fee na nagbe-verify ng import documents supported by fake invoice & packing list para mapunta sa section na kasabwat nila sa pandaraya sa gobyerno.

Ito ay maling sistema na nangyayari sa ma-tagal na panahon na pandaraya na dapat imbestigahan ng bagong pamunuan ng customs.

Panagutin ang broker at hepe ng isang section sa panloloko sa ating gobyerno.

Ang masama pa, ipinatutupad raw muli ang bench marking scheme para maging uniform ang duties and taxes na ibinabayad na buwis sa isang kargamento.

Karamihan ng mga kargamento na ‘napata-lon’ ay mas mababa pa ang ibinabayad na duties and taxes sa napag-usapan na benchmarking (P30 thousand lang kada container)!?

Ang  nakapagtataka kung paano ito nakalulusot sa sistemang ito lalo sa concerned district customs collector?

Magkano ‘este ano ba ang nangyayari mga bossing?!

PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …