NATUKLASAN kung bakit rumarampa sa ratings ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin, ito’y dahil sa barakong-barako ang dating at paningin sa kanya ng manonood.
Nariyan pa ang suporta ng magagaling at kinikilala sa industriyang sina Susan Roces at Eddie Garcia. Malaking bagay din na nagmarka sa isipan ng masa ang pelikula ng yumaong Fernando Poe Jr.
Idagdag pa ang mga artistang matagal na nilang hindi napapanood na nakikita na nila ngayon sa serye ng actor. Halimbawa na si Julio Diaz na matagal-tagal na ring walang nilalabasang programa buhay noong magkasakit. Binigyan siya ng pagkakataon ni Coco na muling maka-arte sa kanyang teleserye..
Marami ang natutulungang artista especially ang mga ‘di na aktibo ni Coco para muling sumigla ang kani-kanilang career
SHOWBIG – Vir Gonzales