AMINADO ang aktres/politician na si Andrea del Rosario na hinahati niya ngayon ang kanyang oras sa pagiging public servant at mother sa kanyang unica hija na si si Beatrice Anne del Rosario. Kapag may oras din siya, nakakakalabas pa rin si VM Andrea sa telebisyon.
“It’s not easy pala, I’m juggling my time between being a single mom and my obligations in Calatagan,” saad niya nang makapanayam namin thru Private Messaging ng Facebook.
Nalaman naming balik-taping siya via Maalala Mo Kaya ng ABS CBN sa pamamagitan ng kanyang Instagram post at nabasa rin naming dito na tumanggap siya ng award recently sa Malacañang Palace.
“After being awarded Malinis at Masaganang Karagatan (MMK) for CALATAGAN, Batangas today in Malacanang, time to memorize my script for Maalaala mo Kaya (MMK) #MMK #balancelife #workingmom #dayjob#stillhavetowork.”
“Taping of Maalaala mo Kaya #MMK #abscbn with my husband in the story (Michael Flores) and my daughter (Erich Gonzales) entitled “Mother graduate” showing this Saturday, March 11, 2017.”
Si Andrea na kasalukuyang Vice Mayor ng Calatagan, Batangas ay nasa Malacañang para tumanggap ng award bilang public servant. Ang Malinis at Masaganang Karagatan (MMK), Region 4-A for Calatagan, Batangas.
Dahil nasa politika na rin siya, ano na ang kanyang priority ngayon?
Sagot ni Vice Mayor Andrea, “Regarding my priorities… since I only have one daughter, she is on top of everything else. But I believe in a balance life, I try to budget my time and really master the art of ‘time management’.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio