AS of Saturday, umabot na sa P100-M ang kita ng My Ex and Whys na kasalukuyang ipinalalabas sa 300 theaters dito sa Pilipinas. Wala pa sa nasabing gross ang kinikita nito sa ibang bansa.
Kaya kung dire-diretso ang kita ng pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil, posibleng mapabilang na ang dalaga sa nominadong Box Office Queen.
Nagpapasalamat naman si Liza sa lahat ng nanood base sa panayam sa kanya ng Cinema One sa isang product launching, ”I’m just really overwhelmed. I didn’t expect it.
“Actually, hiling lang namin, sana mas mataas lang ng kaunti sa last movie namin, but God gave us even more than that. I just want to thank everyone who watched, especially our solid fans.
“Sobrang dami naming gross on the first day. Talagang they put it together just for us. I just wanna say thank you guys so much.”
Ratsada pa rin sa trabaho ang dalaga dahil may bago na naman silang project ngayon ni Enrique, ”I’m gonna be working with a new soap, ‘yung soap na sinasabi ko na kasama ako sa pilot episodes. And then mayroon na rin kaming pitching for upcoming soap, so malapit na kaming magkaroon ng idea about our new soap.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan