Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris nabola si Digong

WALANG ano-ano, ang laos na si Kris Aquino ay biglaang naging ulo ng mga balita dahil sa pambobola kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Hindi na sana pumatol pa si Duterte sa dating ‘Queen of All Media.’

Alam naman ng lahat na tinalikuran na si Kris ng kanyang mother station na ABS-CBN, gayoundin ng GMA at TV5 kaya’t ngayon ay dumikit kay Duterte upang mapag-usapang muli bilang bahagi ng kanyang propaganda at media mileage.

Kung hindi ba naman mapagpatol ang mga tagapayo ni Duterte ay kumagat pa sila sa pang-uuto ni Kris na alam namang wala nang bilang sa showbiz industry. Paano ngayon? E ‘di nagtagumpay ang asinta niyang pagpiyestahan muli ng media.

Marahil ay naisahan ni Kris si Duterte sa pakarengkeng na text na ‘wag nang ipakulong ang kanyang kapatid kaugnay ng Mamasapano Massacre. Ngunit nagkakamali si Kris, hindi niya mabibilog ang publikong sawa na sa kanyang mga boladas.

Ano pa nga ba ang estratehiya ng isang taong laos na at nasanay sa ningning ng showbiz at politika, e ‘di malamang ay makisalo sa ilaw ng pinakapopular na tao ngayon hindi lamang sa Filipinas kundi sa buong mundo tulad ni Pangulong Duterte, hindi ba?

Desperada na si Kris na sumosyo sa kasikatan ni Duterte, pero isa lang ang hindi na niya mababawing muli, ang kasikatan niya sa taong bayan na matagal nang naglaho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …