Friday , June 5 2026

US Embassy ipatatawag sa Duterte ouster probe

BAGAMA’T matibay ang paniniwalang hindi magtatagumpay ang mga tangkang pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte, seryosong bibigyan ng pansin ng Kamara ang nasabing ouster plot.

Ayon kay House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, mahalagang malaman kung totoo ang pakikialam ni dating US Ambassador Philip Goldberg sa soberanya ng Filipinas.

Matatandaan, sa nalathalang impormasyon, sinasabing pina-plano ng dating US envoy ang pagpapahina sa Duterte administration bago ang tuluyang pagpapatalsik.

Kabilang sa balak ang pagkakait ng tulong sa Filipinas, habang bubuhusan ng suporta ang iba pang mga kalapit nating bansa sa Asya.

Gagamitin din umano ng oposisyon bilang channel ng ano mang aksiyon upang mapahina ang administrasyon.

Si Goldberg ay minsan nang pinagsalitaan ni Duterte ng maaanghang na pahayag kahit noong nagsisilbi pa siya bilang US envoy sa Filipinas.

Ayon kay Alvarez, handa silang ipatawag ang mataas na opisyal ng US Embassy para malinawan ang isyu.

Plano ng Kamara na isama ito sa mga prayoridad na gawain sa pagbabalik ng sesyon.

Samantala, mariing itinanggi ng US Embassy ang nasabing balita. Ayon kay US Embassy Press Attache Molly Koscina, mula noong nakipagpulong si Secretary of State John Kerry kay Pangulong Duterte ay tiniyak niya na inirerespeto ang soberanya ng bansa at ang pagpili ng mga Filipino sa kanilang magiging lider.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay …

Kiko Dee Alan Cayetano Robin Padilla Mao Aplasca

Cayetano, Padilla, Aplasca inireklamo ng Obstruction of Justice sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamong Obstruction of Justice sa Office of the Ombudsman ang grupong Tindig Pilipinas …

Cayetano Hataw Ilegal Yan

Ilegal ‘yan – Cayetano

HAYAGANG kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng pagluklok ng kaniyang mga …

060426 Hataw Frontpage

Cayetano group habang naka-boykot; Senate President Pro Tempore inihalal
GATCHALIAN ITINALAGANG ACTING SENATE PRESIDENT

HATAW News Team HABANG nakaboykot at anila’y nagse-session si Senate President Alan Peter Cayetano sa …

DOST 10 Bukidnon BUKIFCARB MPC

Exploring Engineering Solutions to Enhance Muscovado Production for Bukidnon Sugarcane Farmers

Sugarcane farmers of the Bukidnon Farmers CARP Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (BUKIFCARB MPC) in Don Carlos, …