Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lalaking mang-aawit, kinalasan ng kagrupo dahil sa TF

UMEEKSENA sa panahong ito ang isang lakaking mang-aawit na in fairness ay kabilang noon sa isang sikat na grupo. Umeeksena lalo na sa mga usapin tungkol sa politika as if naman daw ay walang maibubutas sa kanya.

Feeling self-righteous kasi ang singer, lagi na lang siyang may emote ng disgust lalo na sa panunungkulang salungat sa kanyang ideolohiyang politikal.

Pero kamustahin daw naman natin kung bakit na-disband na ang grupong dati niyang kinabibilangan. Ang dahilan: sa tuwing kokontakin pala ang kanyang grupo para mag-show, kung halimbawang pepresyuhan sila ng pare-pareho ay papalagan niya ‘yon.

Dapat daw ay mas mataas ang kanyang talent fee. Teka, ibig bang sabihin ay siya ang pinakamagaling sa grupo? Ang ending: kumalas na ang mga kasama niya!

Da who ang maligalig na singer na ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Jimboy Paralejo.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …