Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 drug suspects itinumba

LIMANG lalaking hinihinalang sangkot sa droga ang namatay makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek habang nasugatan ang isang negosyante sa magkakahiwalay na insidente sa southern Metro Manila.

Si Danilo Bolante, 48, ay agad binawian ng buhay makaraan pagbabarilin kamakalawa ng gabi ng dalawang lalaking maskarado sa kanilang bahay sa Block 1, Electrical Road, Brgy. 191, Zone 20, Pasay City.

Dakong 2:45 pm kamakalawa nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sina Nante Kamandag, 35, at Reynante Lucas sa harapan ng Tresor Commercial Building sa 2222 Taft Avenue St., Pasay City.

Dakong 12:00 am nang mamatay si Jonathan Gamboa nang pagbabarilin ng limang lalaking lulan ng dalawang motorsiklo malapit sa kanyang bahay sa Bonifacio St., Brgy. Rizal, Makati City.

Pasado 1:00 am, pinagbabaril ng hindi kilalang mga suspek na nakamotorsiklo ang biktimang si Angelo Garcia, 25, malapit sa kanyang sa bahay sa Airport Road, Brgy. Baclaran, Parañaque City.

Samantala, sugatan si Rommel Cuambot, 54, makaraan pagbabarilin sa Block 17, Excess Lot, Soldiers Hills, Brgy. Putatan, Muntinlupa City ng mga suspek na sina Loloy Ybale at Ruben Mendigo, kapwa nakatira sa nabaggit na lugar.

Habang nasa emergency room ang biktima, sinabi niya sa mga pulis na sina Ybale at Mendigo ang bumaril sa kanya.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …