Wednesday , October 5 2022

12-anyos anak 3 beses nireyp ng ama sa Aklan

KALIBO, Aklan – Nahaharap sa kasong panggagahasa ang isang padre de familia dahil sa panghahalay sa kanyang sariling anak sa Brgy. Kinalangay Viejo, Malinao, Aklan.

Sa report ni Senior Insp. Alfonso Manoba, hepe ng Malinao-Philippine National Police station, kinilala ang suspek na si Silverio Agustin, Jr., 44, isang magsasaka, residente ng naturang lugar, ama ng biktimang itinago sa pangalang Joy, 12-anyos.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa isinagawang operasyon sa kanilang bahay.

Ayon kay Manoba, tatlong beses ginahasa ang biktima ng kanyang ama simula pa noong Enero at Pebrero ngayong taon.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nasa P200,000 ang itinakdang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

About hataw tabloid

Check Also

Genesis Gallios

Bagong production ni Genesis Gallios inilunsad 

MA at PAni Rommel Placente NAGING matagumpay ang birthday show/dinner ng tinaguriang Queen of the …

Bulacan

Mahigit 4,000 na evacuees sa Bulacan bumalik na sa kanilang mga tahanan matapos ang Super TY Karding

MAY kabuuang 4,760 na indibidwal ang ligtas nang nakabalik sa kanilang mga tahanan noong Martes, …

5 rescuers na nasawi sa Bulacan bibigyan ng espesyal na pagpupugay

5 rescuers na nasawi sa Bulacan bibigyan ng espesyal na pagpupugay

 ISANG espesyal na pagpupugay para parangalan ang limang ‘bayaning tagapagligtas’ na nasawi habang nagliligtas ng …

Hinigop ng rumaragasang tubig sa kanal…
2-TAONG GULANG NA BATANG LALAKI, NAMATAY SA PAGKALUNOD

BANGKAY na nang matagpuan sa nagpuputik na palayan ang isang batang lalake matapos na mahulog …

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Leave a Reply