Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

BIR director patay sa ambush, driver sugatan

112216-jonas-amora-bir-ambush
NAKASUBSOB na nalagutan ng hininga sa kanyang kinauupuan si Jonas Amora, BIR Regional Director, nang tambangan ng riding-in-tandem ang sinasakyang SUV sa panulukan ng Katipunan Ave., at Top Site St., Quezon City kahapon ng umaga. Sugatan ang drayber niyang si Angelito Pineda. (ALEX MENDOZA)

PATAY agad ang isang regional director ng Bureau of Internal Revenue (BIR) habang sugatan ang kanyang driver nang tambangan ng riding-in-tandem ang kanilang sasakyan sa Proj 4, Brgy. Escopa, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD director, Sr. Supt. Guiler Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang biktimang si Jonas Amora, 55, BIR Leyte Region 8 director II, residente ng Baker St., Fil-invest East, Antipolo City.

Sugatan si Angelito Pineda, BIR director ng Makati, at residente sa Masikap St., Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Napag-alaman, habang minamaneho si Pineda ang Toyota Innova (EBZ 502) dakong 5:02 am at binabagtas ang Katipunan Road galing Antipolo patungong BIR main office sa Quezon City, sinabayan sila ng isang motorsiklo.

Pagdating sa kanto ng Katipunan Avenue at Major Dizon St., Brgy. Escopa 2, pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na nakaupo sa passenger’s seat sa harapan.

Samantala, inaalam ng pulisya ang motibo sa pananambang ngunit malinaw na hindi holdap ang pakay ng mga suspek dahil narekober sa loob ng sasakyan ang dalang P300,000 cash ng dalawa.

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …