#SHE’S the man. Light lovestory ang hatid ng MMK (Maalaala Mo Kaya) sa episode na isinulat ni Benson Loronio at idinirehe ni Mae Alviar Cruz sa Sabado (Nobyembre 12) na tatampukan ni Ritz Azul bilang si Gellen at Ejay Falcon bilang si Jomz.
Kasama sa masayang ikot ng lovestory na pinuluputan muna ng mga pagsubok ang gagampanang mga katauhan nina Frenchie Dy,Teresa Loyzaga, Efren Reyes, Andrei Garcia, Joj Agpangan, Kamille Filoteo, Alex Castro, at Joseph Bitangcol.
Mataas ang pangarap sa buhay ni Gellen. At nagtrabaho siya sa isang fast-food restaurant para makatulong sa kanyang pag-aaral. Dito niya nakilala si Jomz. Love at first sight. Kaya rin ayaw niyang mawala sa paningin ang kinuha niya ang atensiyon na si Jomz. Kaso, no pansin siya sa binata. Kaya, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang kinailangan siyang ilipat ng branch sa kanyang pinapasukan.
Sino ba sa kanila ni Jomz ang higit na naka-miss sa isa’t isa?
Nabaligtad ba ang ikot ng mundo? At kung nabaligtad man, pumayag kaya ang isa na gawin ang tungkulin ng isa para sa isang happy ever after na istorya?
HARDTALK – Pilar Mateo