Thursday , June 4 2026
vince tanada

Bonifacio Isang Sarsuwela, dapat mapanood ng kabataan

THREE years ago ay ipinalabas sa iba’t ibang venue ang stage play na  Bonifacio Isang Sarsuwela ng Philippine Stagers Foundation ni Atty. Vince Tanada. At dahil ang ating bansa ngayon ay nalagay na naman sa alanganin lalo na sa pagdating sa nationalism, naisip ni Vince na muling ipalabas ang dula na nagpapakita ng kabayanihan at patriotism ni Andres Bonifacio.

Noong Huwebes ng gabi, napanood ko ang nasabing dula sa kanilang technical/dress rehearsal sa AFP Theater.

Superb ang production design, costume, lighting lalo na ang akting na mga nagsiganap bilang Emilio Aguinaldo played by Kenneth Sadsad, Emilio Jacinto, Gregoria de Jesus, Tandang Sora, Macario Sakay and Andres Bonifacio played by Vince himself.

Kaya nagulat kami nang sabihin ni Vince after the play na ‘di sila sinipot ng kanilang stage manager at ilan pang staff ng show ng gabing iyon. Tulong-tulong ang cast. Nagulat kami dahil bilang manonood, very smooth ang napanood namin, walang aberya sa lahat ng aspeto.

Palabas na ngayon ang Bonifacio Isang Sarsuwela sa AFP Theater na nararapat mapanood ng mga kabataan.

Bukod sa Bonifacio Isang Sarsuwela, may isa pang on-going play ang Philippine Stagers Foundation entitled Katips na tungkol sa nangyari noong panahon ng Martial Law na ang lolo ni Vince na si Atty. Lorenzo Tanada ay isa sa mga nakulong.

Maganda ang pamamalakad ni Vince sa kanyang mga performer. Binabayaran niya ang mga ito hindi per show basis kundi monthly basis, para maramdaman nila na may suweldo sila. Ang pinakabaguhan ay tumatanggap ng P25,000 per month at ‘yung mga datihan na at nagbibida na ay P60,000 per month, may Philhealth at SSS pa. Saan ka pa?

Passion na ni Vince ang entablado at sa lahat ng medium, dito talaga ang calling niya more than movies and television.

Nag-produce na rin kasi ng pelikula si Vince noon, ang Otso at umarte na rin sa telebisyon pero ang teatro talaga ang kanyang pinakamahal.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …