AMINADO si Ryza Cenon na pinaka-daring na pelikula niya ang Ang Manananggal Sa Unit 23B na pinamahalaan ni Direk Prime Cruz. Ito’y mula sa The IdeaFirst Company nina Direks Perci Intalan & Jun Robles Lana. Isa ito sa entry sa QCinema Film Festival.
Kasama rin sa pelikula sina Martin del Rosario, Vangie Labalan, Cholo Barretto, at iba pa.
Gumaganap dito si Ryza bilang si Jewel, isang misteryosang babae na namumuhay mag-isa. Hanggang sa makilala niya si Nico (Martin) at magkalapit ang kanilang loob. Darating si Jewel sa punto na kailangang mamili kung mamahalin niya si Nico o ililigtas niya ang binata sa kanyang sarili.
Matitindi ang mga eksena rito ni Ryza, kabilang ang ilang maiinit na love scenes na with matching pumping scene pa. Pero ang pinaka-matindi ay ang masturbation scene ni Ryza. Sobrang daring at tindi nito, kuntodo emote si Ryza habang nasa kama at naka-panty at bra lang. Tapos ay nilalamutak niya ang kanyang dibdib at minsan ay ipinapasok pa ang isang kamay sa loob ng bra niya upang salingin ang kanyang nipple.
Ang the height ng eksenang ito ay nang ipasok din ni Ryza ang isang kamay niya sa loob ng panty niya upang kalikutin naman ang kanyang pagkababae. Ganoon katindi ang nabanggit na masturbation scene ni Ryza, pero hindi malaswa ito lumabas, Kailangan lang talaga kasi sa istorya dahil napakahalaga ng eksenang ito sa kabuuan ng pelikula.
After ng gala premiere ng pelikulang ito ay na-interview namin si Ryza at una naming inusisa sa kanya kung hindi ba siya nagdalawang isip nang tinanggap ang project na ito?
Sagot ni Ryza, “Hindi po, hindi po ako nagdalawang-isip, excited nga po akong gawin siya.”
Sinabi mong ito ang pinaka-daring na project mo, ibig sabihin ba nito ay tuloy tuloy ka na sa mga mas daring na project pa?
“Yes, yes, eto po yung pinaka-daring na ginawa ko sa lahat ng mga project ko.
“Yes, yun nga ang sabi ko. For me naman, lilinawin ko lang, hindi ibig sabihin na ginawa ko ito. na ito na lagi ang gagawin ko. Depende pa rin sa materyal na ibibigay sa amin.
“Siyempre gusto ko pa rin mag-explore ng ibang characters, sana rin huwag ako masabi na sexy lang,” nakangiting saad pa ng Kapuso actress.
Paano ka kinumbinse ni Direk Prime na gawin iyong masturbation scene rito?
“Ah hindi naman, before naman kasi mag-start… sinabi na naman sa akin lahat-lahat ng eksena, specially yung mga sensitive na scenes like yung sex scenes and yung masturbation scene. Talagang pinaghandaan namin yun, pinag-usapan namin kung ano yung mga dapat, kung may kailangan ba…”
Naniniwala ka ba na importante sa pelikula yong masturbation scene mo?
“Yes, kasi yon yung transformation ng manananggal, isa sa highlight yun eh,” matipid na sagot pa niya.
Ano ang masasabi mo kay Direk Prime at kay Martin?
“Kay direk siyempre ay malaki ang pasasalamat ko sa kanya, kasi ikinonsider niya ako as manananggal niya and di niya ako iniwan, di niya ko pinabayaan, kaya sobrang blessed ako na siya yung naging director ko.
“And kay Martin naman, blessed din ako sa mga co-actors ko, di lang kay Martin, sa lahat naman dahil nandyan din sila to support me.”
Wish mo ba na next project mo ay daring na mas macha-challenge ka bilang aktres? Kasi kanina na-interview namin sina Direk Prime, Direk Perci, at Direk Jun at puring-puri ka nila sa pelikulang ito.
“Wow! Salamat naman po. Oo naman, yun nga yung sinabi ko rin na di naman kailangan gumawa ng daring scene para masabi na isa kang aktres. Pero ako naman, kung maganda yung materyal, bakit hindi?”
Anyway, para sa mga mahilig sa kakaibang istorya ng manananggal, hindi dapat palagpasin Ang Manananggal Sa Unit 23B. Ito ay may kakaibang atake sa kuwento ng manananggal dahil modern ang approach nito na tiyak na masasakyan ng mga millennial, plus napapanahon din ang pagtalakay sa social issue rito. Kapansin-pansin din ang musical scoring at sound track ng pelikula.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio