HINDI na raw muling magpo-pose sa sexy magazine ang actress/host na si Jennylyn Mercado. Feeling nito’y nagawa na ang dapat gawin para maging pabalat ng isang sexy magazine.
Kumbaga, graduate na ito sa pagpapa-sexy sa kanyang mga photo at mas gusto na lang nitong mag-focus sa hosting, acting, at singing career.
Sa ngayon ay dalawa ang show nito sa Kapuso Network—isang cooking show at ang Superstar Duets na parehong ang husay niya sa pagho-hots ang ipinakikita.
Pero ‘wag daw mainip ang mga tagahanga nito na gusto siyang mapanood sa isang teleserye dahil mayroon ngang nilulutong bagong soap para sa kanya.
MATABIL – John Fontanilla