ISANG cigarette vendor mula sa Parañaque City ang nanalo sa Sept. 14 Grand Lotto 6/55 jackpot na nagkakahalaga ng P61.3 milyon.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Alexander Balutan, ang 52-anyos ama ng tatlo, ay numero ng kanyang cellphone ang ginamit para P40 na kanyang itinaya.
Ang winning numbers ay 08-09-16-19-31-41.
Sinabi ni Balutan, dalawang taon nang tumataya sa lotto ang nasabing cigarette vendor.
Aniya, gagamitin ng nanalo ang premyo sa pagbili ng bahay at lupa para sa kanyang pamilya at ang ibang bahagi ay gagamiting puhunan sa negosyo at para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.