Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maritime industry masasagip ni Presidente Duterte —CoMMA

TANGING si Pangulong Rodrigo Duterte lang ang makasasagip sa maritime industry para lutasin ang lumalalang mga problema ng industriya at Pinoy  seafarers na may malaking ambag sa ekonomiya nang mahigit limang bilyong dolyar sa taunang remittances.

Inihayag ito ni Capt. Rodolfo Estampador ng Conference of Maritime Manning Agencies (CoMMA) sa pagtalakay ng usapin ukol sa mga mandaragat na Pinoy sa Tapatan sa Aristocrat sa Malate, Maynila.

Ayon kay Estampador kailangan umanong magbigay ng ayuda ang pamahalaan dahil naungusan na ng ibang bansa, partikular ang China sa pagde-deploy ng mga de kalidad na seafarer sa pandaigdigang merkado.

Batay sa latest statistics, naungusan na ng China ang Filipinas sa dami ng kanilang mga seafarer sanhi ng mala-king karagdagan ng kanilang domestic shipping habang nananatili ang bansa sa pagi-ging pangunahing manpower source ng pandaigdigang maritime industry.

Bukod sa China, nakaaagaw na rin ang mga bansang Thailand, India, Pakistan at yaong nasa eastern Europe sa bilang ng mga idini-deploy na seafarer dahil mas maliit ang mga suweldong hinihiling nila kung ihahambing sa mga Pinoy.

“Mahalaga ang suporta ng gobyerno dahil matagal nang napabayaan ang industriya. Kailangang magbalik tayo sa simula para matugunan sa wastong paraan ang mga problemang kinakaharap ng ating mga mandaragat at gayon din ang mga manning agency na nagpapalayag sa kanila,” aniya.

Una rito, na-ngako si Pangulong Duterte na paiigtingin niya ang ayudang ibinibigay sa martime industry para umani  ng pasasalamat mula sa Associated Marine  Officers’ and  Seamen’s Union  of the Philippines (AMOSUP)  sa  pangunguna ng presidente ng organisasyon na si Dr. Conrado Oca.

Ipinaliwanag  ni  Estampador,  malaki  ang  magiging  benepisyo sa industriya kung makatutulong  ang  pamahalaan sa pagkakaroon ng pasi-lidad tulad ng training vesel ang  iba’t  ibang  mga eskuwelahan para sa mga mandaragat para mabigyan ng tunay na pagsasanay ang ating mga seafarer.

Tinugon ang panawagang ito ng Maritime Industry Authority (MarInA) sa pagpa-patupad  ngayon  ng  mga  programa na magpapaangat sa kalagayn ng mga mandaragat na Filipino at gayon din sa kanilang edukasyon at pagsasanay.

“Hindi kami natutulog dito sa MarInA dahil gumagawa kami ng mga polisiyang magpapa-ganda sa edukasyon at training ng mga marinero.

Sa ngayon ay hindi maha-laga ang dami ng eskuwelahan kundi kung makapagpapatapos tayo ng mga seaman na may competency para makipagsabayan sa global competition,” punto nina Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers  (STCW)  MarInA  executive director Eleazar Diaz at maritime education supervisor  Michael John Esplago.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Leody de Guzman BMP Julius Cainglet FFW

Katarungan at dignidad ilagay sa sentro ng paggawa para sa mga manggagawa

NANAWAGAN si Bishop Gerardo A. Alminaza sa mga pinuno ng Caritas Philippines at mga organisasyon …

USTNAI Senen Cabalfin Gandang Lola

Gandang Lola Year 3 Medical Mission Naghatid ng Pagaling, Saya, at Dignidad sa Elderly Community

NAGSAMA-SAMA ang malasakit, pag-aaruga, at selebrasyon sa Little Sisters of the Elderly habang matagumpay na …

Arrest Shabu

Sa serye ng drug bust, P.9-M shabu nasabat

MULING nagtagumpay ang PRO3 sa kampanya kontra ilegal na droga matapos ang magkakasunod na buybust …

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

NAUWI sa isang malagim na pagkakatuklas ang paghahanap sa isang nawawalang miyembro ng Philippine National …

Alexis Castro Bulacan

Bise Gob. Castro, kinilala sa kanyang makataong pamumuno sa Golden Icons Awards

DAHIL sa kaniyang pagiging makatao at may paninindigang pamumuno, kinilala si Bise Gob. Alexis Castro …