Thursday , June 4 2026

2 karnaper tumakas sa checkpoint, utas sa parak

PATAY ang dalawang hindi nakilalang lalaking hinihinalang mga karnaper makaraan makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang checkpoint kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.

Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, patuloy pang inaalam ng mga tauhan sa Anti-Carnapping at District Special Operation Unit (DSOU) na nagsagawa ng operasyon, ang pagkakilanlan ng dalawang napatay na mga suspek.

Sa imbestigasyon, dakong 1:30 am, pinatatabi ng mga awtoridad ang mga suspek na lulan ng isang motorsiklo sa checkpoint sa kanto ng Congressional Road at Tandang Sora Avenue, Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Ngunit pinaharurot ng mga suspek ang kanilang motorsiklo kaya hinabol ng mga pulis at nagkaputukan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …