Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Evia Lifestyle Center Cinema burara sa safety ng moviegoers

NANAWAGAN ang inyong lingkod sa management ng Evia Lifestyle Center Cinema sa Las Piñas City!

Isang moviegoer ang naging biktima ng kaburaraan ng inyong ‘housekeeping or janitorial team.’

Last night of September 19 (2016), isang moviegoer ninyo ang nadulas sa comfort room diyan sa Evia.

E paanong hindi madudulas, may tubig pala roon sa floor area na hindi natin alam kung saan galing pero wala man lang inilagay na babala o warning sign na “WET FLOOR.”

Nadulas ‘yung biktima at naitukod ang kanyang kamay.

Hindi natin alam kung mayroong nag-assist from the management sa biktimang moviegoer nang mangyari ang insidente.

Grabeng sakit ang naramdaman ng biktima kaya agad siyang dinala ng kanyang mga magulang sa Asian Hospital.

092316-evia-lifestyle-center-cinema

Sumailalim sa iba’t ibang laboratory test ang biktimang nadulas sa Evia Lifestyle Center Cinema gaya ng CT Scan at MRI para makasiguro ang mga magulang na walang masamang nagyari sa kanilang.

Sa kasalukuyan, under observation pa ang pasyente.

Humihingi ng dalangin ang pamilya na sana’y walang mangyaring masama sa kanilang kaanak.

Ngayon, Evia management, mantakin ninyong gumastos ‘yung pamilya ng biktima dahil sa kapabayaan ninyo na tiyaking ligtas ang inyong mga kliyente o customers?!

Considering na itinuturing na high-end establishment ang Evia pero hindi ninyo tinitiyak na ligtas ang inyong mga parokyano at kliyente?!

Wattafak!

Pera-pera lang ba talaga ang habol ninyo sa mga customer at hindi man lang ninyo masiguro ang kanilang kaligtasan?!

Aba, kung ganyan kaburara ang Evia Lifestyle Center Cinema, mas mabuti sigurong iwasan muna ng mga mall-goer ang pumunta riyan?!

Lipat-lipat muna kayo sa ibang mall, mga suki!

ANO ANG LIHIM NG KUBOL
NI JAYBEE SEB?!

092216-jaybee-sebastian-de-lima-dayan

TALAGA naman…

Hulas na hulas na talaga ‘yung address na honourable para kay dating justice secretary Leila De Lima na ngayon ay senadora na.

May Dayan na, may Warren pa, nag-moonlight pa sa isang Jaybee Seb?!

Wattafak?

For the benefit of the doubt, sabihin na nating tsismis lang talaga, pero puwede ba ipaliwanag ni Ms. De Lima kung ano ang ginawa niya sa kubol ni Jaybe Seb sa loob ng tatlong oras?!

Nag-ZUMBA ba siya?!

Nag-Pak! Pak! Ganern?!

Nag-pray-over?!

Nag-QK o nag-ST?!

Grabe ang hitad!

Mantakin ninyong kalihim ng katarungan ‘e nakikipagpulong nang solo sa binansagang ‘king of drug lords?’

May basbas ba ni PNOy ‘yang De Lima & Jaybee Seb ‘secret meeting’ sa isang Kubol sa loob ng Bilibid?!

Wattafak, agen en agen!

Gusto tuloy natin isipin, kung ‘taster’ ba ni PNoy si De Lima?!

Paki-explain!

SI MANNY PACQUIAO TALAGA
ANG MAY RIGHT TIMING TO HIT
THE KNOCKOUT PUNCH

092316-pacman-de-lima

Ang galing!

Parang nanood lang din tayo ng boksing.

‘Yun bang tipong si Senator Manny Pacquiao lang ang nakakita ng opening para ibigay ang kanyang pamatay na ‘left hook’ para pabagsakin si Leila De Lima!

Mantakin ninyong, ang daming Senador na abogado, may mga masteral at doctorate pero siya lang ang nakapansin ng right timing.

Nang mag-walkout si De Lima habang nagde-deliver ng privilege speech si Senator Alan Peter Cayetano, iyon ay malaking kabastusan sa buong Senado.

At bilang chairman ng Senate committee on justice, hindi naaayon at hindi karapat-dapat ang ganoong ikinilos ni De Lima, kaya hayun, pagkatapos mag-speech ni Senator Alan agad inihain ni Senator Pacman ang kanyang mosyon na bakantehin ang chairmanship at membership ng committee.

Ang sabi ni Senator Pacman: “Mr. President, I move that the chairmanship and members(hip) of the committee on justice be declared vacant!”

Bog! Konockout si De Lima kasunod ng boto ng 16 Senador.

Arayku!

‘NO METER’ TAXI SA ILALIM
NG TULAY MAGALLANES MAKATI

sir good day po. meron lang po akong hiling n sana bigyan po ng pansin ng mga pulis un mga taxi na nakapila d2 sa ilalim ng tulay sa magallanes Makati. Hndi po gumagamit ng metro mga binibiktima nila galing probinsya at ung talamak na sugal kara cruz d2 sA riles mga taxi driver dn mga naglalaro.

+63930095 – – – –

WALANG PAKIALAM SA MGA ADIK NA DRIVER

BOSS Jerry Yap ‘yun column niyo tungkol sa tricycle driver sa Mendez Baesa. Ako si Lito Apo. Hindi po ako ang presidente ng TODA. Auditor lang ako bakit ako ang binabatikos para sa mga adik na driver.

+63915408 – – – –

BAKIT MAS MAHAL ANG POLICE
CLEARANCE SA NBI CLEARANCE?

Sir Jerry pakihambalos nga itong police clearance, mahal P300 mano-mano pa, 6 months lang validation. Ang NBI P120 lang 1 year validation high tech pa may pang-enganyo na ig pa.

+63908485 – – – –

TONGPATS SA FAKE
NA DIPLOMA

For info po, 2 pulis MPD ang nasa likod ng paggawa ng mga fake na diploma sa Sta. Cruz, Maynila. Si SP03 WONG FAI HONG at si SP03 KUPALDO sila ang tumatara ng 500 piso kada 1 araw sa fixer fake diploma. Pati abortion pills cla protector.

+63915602 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *