Tuesday , May 7 2024

Harangero!

PWE! Grabe talaga ang mga halimaw sa industriya.

Honestly, parami nang parami ang mga nanghaharang.

Feeling ba nila’y super milyonaryo kami kaya con todo harang ang mga hinayupak. Hahahahahahahahahaha!

Imagine, roon sa malaking network na lang, parami nang parami ang mga demonyong nanghaharang.

Honestly, I can feel the demons closing in on us with such demonic and cavalier intensity.

Ewan ko ba naman kung bakit inggit na inggit ang mga gago samantala wala naman akong pera. Hahahahahahahahahaha!

Dati, nai-invite pa kami sa mga presscon roon sa big network. Pero ngayon, maliban sa Dreamscape at Star Creatives, wala na kaming invitation na natatanggap dahil hinanarangan kami ng mga demonyo roon.

Mga demonyo raw, o! Hahahahahahahahahaha!

Honestly, masahol pa sa demonyo actually!

Anyway, I couldn’t care less. They can have all the projects that they want for all I care.

Isaksak nila sa baga nila ang mga presscon na ‘yan for all I fucking care!

Hindi ako maghihirap kung wala akong invitation coming from these cavalier people.

God is good. Hindi niya hahayaang maglupa at maghirap ako when all I want is to work for my family and to give them a fairly decent existence.

Dati, maganda na sana ang buhay namin sa Juicy. Tapos, biglang umarangkada na naman ang impaktang salot na si Crispy Patah and I ended up being jobless.

Sino ba naman kasi ang kakampihan ng management kundi ang balatubang impakta.

Queen of harbat, este, intrigues pala, (Hahahahahahahaha!) ang babaeng mukhang demonyo, ano pa ba ang magagawa namin kundi bow na lang. Hahahahahahahahahaha!

What a big, fucking embarrassment!

No’ng kami pa ang nasa Juicy, it was loaded with ad placements. 12 actually, and the rating was 5%, with replays at 6%.

Pero nang palitan na kami ng queen of intrigues raw, (queen of intrigues raw, o! Hahahahahahahaha! Cheap!) halos wala pang 1% ang nadadagit nila. Hahahahahahahahahaha!

‘Yan ba ang reyna ng entrega, este, intriga pala? Harharharharharharhar!

Anyway, pinangatawan na nila at hindi na kami kinuha.

Sino pa ngayon ang maniniwala sa babaeng palaka?

Wala na!

Wala na raw, o! Hahahahahahahahaha!

Anyway, we are vindicated because they did not have a rating show like the one that we had.

Sino ba naman kasi ang manonood sa babaeng mukhang lomod na nagsasalita ng mga kata at kita at makalumang-makaluma ang dating?

Magmula nga nang dumating sa network na ‘yan ang babaeng isinumpa, (babaeng isinumpa raw, o! Hahahahahahahaha!) wala nang show na nag-rate. Parang may dala siyang kamalasan.

A blight!

A pestilence!

Indeed she veritably is!

Babu!

Dingdong Dantes lookin forward
sa kanyang role as Alyas Robin Hood

Dream come true kung ituring ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang bago niyang TV project na Alyas Robin Hood.

Matagal na raw kasi niyang gusto nang ganitong klaseng role. “Eighteen years na pala ako sa GMA na gumagawa ng mga teleserye, ng TV shows. Sobra lang ang feeling of gratitude, lalong-lalo na nang ipagkaloob sa akin, ipagkatiwala sa akin, ‘yung role na Alyas Robin Hood,” Dingdong asseverates.

Balita pa namin, nag-aral pa si Dingdong ng archery para mas magampanan nang mabuti ang kanyang character.

Bea Binene sharp shooter na rin

Kakaiba talaga ang goals ni Bea Binene dahil it shows how driven she is. After learning Wushu, pistol shooting naman ang target niya ngayon base na rin sa kanyang posts sa Instagram.

Recently nga, nag-share pa ang aktres ng dalawang clips ng drills niya. Kaya naman hindi kami na-surprise na maraming netizens ang humanga sa lakas ng loob ni Bea to try new things.

Isay Alvarez may bagong anak

Nakatutuwa at kitang-kita sa Instagram posts ng theatre actress na si Isay Alvarez na masaya siyang katrabaho si Lovi Poe sa bagong primetime show ng Kapuso Network na Someone To Watch Over Me.

In fact, sinabi ni Isay na hindi lang sa show niya itinuturing na anak si Lovi kundi kundi in real life na rin. Isa nga sa mga photo nga na ini-upload niya sa social media ay may caption na nakalagay na “May bago na akong anak!”

Rafael Rosell bibida sa isang short film

Kahit busy sa GMA afternoon series na Sinungaling Mong Puso ay tuloy pa rin si Rafael Rosell sa pagpapakita ng kanyang husay sa acting. Recently nga ay nag-post ang Kapuso hunk ng isang picture sa kanyang Instagram account na kuha mula sa set ng isang short film na ginawa niya kamakailan.

“Gettin some action scenes done with this bunch. Honored to be part of it! Watch out for this guys short coming soon,” sulat niya sa caption.

Independent Jake Vargas!

Gumawa ng big move ang young actor na si Jake Vargas. Dati, sa Olongapo pa talaga siya umuuwi. Pero sa ngayon, nag-decide na siyang mag-condo living na lang at the Metropolis. Kung kailangan kasi siya ng network na kanyang pinagtatrabahuhan, kailangan pa niyang mag-travel all the way from Olongapo.

Ngayon, madali na niyang napupuntahan ang lahat ng kanyang appointments nang hindi na siya nangangarag o nai-stress.

Of course his family felt sad with the kind of decision that he was able to make but it was all for the best.

Panahon na para matuto siyang mamuhay nang mag-isa at gumawa ng relevant decisions.

Of course hindi naman niya pinababayaan ang kanyang pamilya but he makes it a point to teach them how to live on their own.

Hindi habang panahon ay magiging pasanin niya sila. Somehow, sabi nga niyan, you don’t always give them fish, you teach them how to fish.

Kasama nga pala si Jake sa latest presentation ng GMA na Oh, My Mama! Role ni William Martinez ang napunta sa kanya.

Bagama’t hindi siya katangkaran, he harbors no insecurity with the other leading man of the soap Jeric Gonzales.

Ang magandang anak nga pala ni Janice de Belen na si Inah de Belen ang kanyang leading-lady.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Vhong Navarro Cedric Lee Deniece Cornejo

Cedric, Deniece guilty sa mga kasong isinampa ni Vhong

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAHATULAN ng guilty beyond reasonable doubt sina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa kasong …

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz 2

Bea nagsampa ng mga kaso laban kina Cristy at Ogie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGHAIN si Bea Alonzo ng tatlong magkakahiwalay na criminal case at cyber …

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz

Bea Alonzo naghain ng kasong cyber libel vs Cristy Fermin, Ogie Diaz

SINAMPAHAN ng tatlong magkahiwalay na cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office ni Bea Alonzo …

050324 Hataw Frontpage

Cedric Lee, Deniece Cornejo, 2 pa
RECLUSION PERPETUA IPINATAW vs KIDNAPPERS NG ACTOR/HOST

(ni NIÑO ACLAN) PINATAWAN ng parusang reclusion perpetua o  habangbuhay na pagkabilanggo sina Cedric Lee, …

Kathryn Bernardo Alden Richards  Queen of Tears

Alden at Kathryn wagi sa poll para gumanap sa Pinoy adaptation ng Queen of Tears

MA at PAni Rommel Placente PINAG-UUSAPAN  ngayon lalo na sa social media ang K-Drama na Queen …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *