Friday , April 19 2024

Dump truck swak sa bangin, 10 sugatan

BAGUIO CITY – Isinugod sa pagamutan ang 10 katao makaraan mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang mini dump truck sa Baculungan Sur, Buguias, Benguet, kamakalawa.

Ayon sa report, binabaybay ng dump truck ang makitid at bako-bakong kalsada nang bigla itong gumuho na naging sanhi upang mahulog ang sasakyan sa naturang bangin na may lalim na 30 metro.

Bunsod nito, nasugatan ang sampung pasahero maliban sa driver.

Agad silang sinagip ng mga residente at itinakbo sa Lutheran Hospital sa Abatan, Buguias, para sa agarang lunas.

Ngunit apat sa kanila ang inilipat sa dalawa pang ospital sa Mt. Province at Baguio City.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *