Thursday , June 4 2026

11 drug surrenderees balik-droga, arestado

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang 11 drug surrenderee makaraan mahuli ng mga tauhan ng CIDG-10 na muling gumagamit nang ilegal na droga sa Block 4, Celrai, Brgy. Puntod ng lungsod ng Cagayan kamakalawa.

Ayon kay CIDG-10 chief investigator, SP04 Noel Oclarit, kanilang nahuli ang drug surrenderee na si Rommel Mag-away alias Omir, siyang target ng anti-drug buy-bust operation.

Nahuli rin sa loob ng drug den sina Lilibeth Pasaje, 40; Miriam Bitor, 50; Ramil Camado, 55; Joselito Jamis, 29; Ismael Damasi, 25; Jovel Salos, 22; Ralph Labtan, 18; Jose Jamis; Benjie Labtan, 20, at Clinton Labtan, 21-anyos.

Nakomiska mula kay Mag-away ang 7.6 gramo ng shabu na nagkakahalaga sa P68,400 at drug paraphernalia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …