Thursday , June 4 2026
Clenched fist held in protest vector illustration. Panoramic

200 empleyado nagprotesta vs Araneta’s pizza company

NAGPROTESTA ang 200 dating manggagawa ng Pizza Hut sa main office ng kompanya sa Isetann Department Store sa Cubao, Quezon City at isinisigaw na dapat silang ibalik sa trabaho.

Dakong 11:00 am nang magmartsa ang grupo sa Araneta Center nang tangkain silang harangin ng mga guwardiya at mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) kaya nagkaroon nang balyahan at tulakan.

Ayon sa desmayadong mga manggagawa, gusto nilang magkipag-diaologo sa pamunuan ng Pizza Hut hinggil sa kalagayan ng 285 personnel na sinibak sa iba’t ibang sangay ng Pizza Hut.

Habang sinabi ni Joel Odio, tagapagsalita ng Legal Advocates for Workers Interest (LAWIN), ang Philippine Pizza Inc., (PPI) ay nagbingi-bingihan kaugnay sa desisyon at kautusan ng Supreme Court at National Labor Relation Commission (NLRC) na dapat ma-reinstate ang mga manggagawa.

Ang PPI, ayon kay  Odio, ay pagmamay-ari ng Araneta family at ito ay pinamumunuan ni Jorge Araneta, tiyuhin ng talunang presidentiable ng Liberal Party na si Mar Roxas.

“Dapat kilalanin ng management at ni Jorge Araneta ang kautusan ng NLRC at Korte Suprema na muling ibalik ang mga ilegal na tinanggal na 285 manggagawa ng Pizza Hut,” dagdag ni  Odio.

Ngunit pinabulaanan ng PPI ang akusasyon ng grupo na ilegal silang sinibak sa trabaho.

Sa kalatas na ipinalabas na pirmado ni Maria Rosalita Herrera, SVP Human Resource Department ng PPI, nilinaw niyang walang naganap na lay-off sa mga kawani.

“The persons in question are not PPI employees. They are employed by an independent contractor who were deployed to PPI per our service requirements,” ayon sa pahayag ng PPI.

“It was the independent contractor that decided to unilaterally terminate it’s contract with the company. Accordingly, there is no intent on the part of PPI to pre-empt the Supreme Court’s decision on pending cases, as the termination of the Service Contract was entirely beyond PPI’s control,” ayon sa PPI.

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …