Thursday , June 4 2026

Napakanipis ang pag-asa ng Star

HINDI pa naman tuluyang nagsasara ang pintuan patungong quarterfinal round ng PBA Governors Cup para sa Star Hotshots.

May kaunting uwang pa na natitira matapos na maungusan nila ang Meralco Bolts, 104-103 noong Linggo. Iyon ay ang ikalawang panalo pa lang ng Star sa siyam na laro.

Kung natalo sila sa Bolts, aba’ý goodbye na sa Hotshots!

Pero kahit paano ay tumitibok pa ang kanilang puso at may pag-asa pang makasingit sa susunod ng yugto. Napakanipis nga lang ng tsansang iyon.

Kasi nga ay marami nang koponan ang may apat na panalo sa torneo. At iyon na lang ang puwedeng maabot ng Hotshots. Hindi na sila puwedeng lumampas sa apat na panalo.

Kaya magdarasal sila na matapilok ang mga koponang may apat na panalo at huwag mkarating sa lima.

Bukod sa panalanging iyon, aba’y kailangang maglaro nang matindi ang Hotshots sa kanilang huling dalawang games kung saan matitindi pa ang kanilang makakaharap.

Biruin mong kalaban nila ang nangungunang TNT Katropa sa Setyembre 11 at ang Governors Cup champion Rain Or Shine sa Setyembre 16.

Kailangan silang lumusot sa dalawang ito. Kapag natapilok sila nang minsan, goodbye na sa kanilang season!

Maraming nagdarasal na sana nga ay makasingit pa sa quarterfinals ang Hotshots. Pero parang malabo na talaga, e. Kumbaga ay puwede nang ilagay ng bagong coach na si Jason Webb sa ‘experience’ang kanyang rookie year at umasang may ikalawang taon pa siya bilang coach ng Hotshots. Kasi, baka mapundi sa kanya ang management at bigla silang magpalit   ng coach!

Iyon ang masaklap.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …