Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice, ‘di raw gumagamit ng party drugs

KASAMA ang pangalan ni Vice Ganda sa pinaghihinalaang umano’y gumagamit ng party drugs ayon sa isang radio program at nasulat sa isang tabloid (hindi sa Hataw) kasama si Billy Crawford.

Kasalukuyang nasa Hongkong si Vice noong pumutok ang balita kaya hindi namin siya nahingan ng komento.

At kahapon ay nakahabol naman ang TV host/actor sa It’s Showtime at dahil siguro ngarag kaya hindi sinagot ang text message namin.

At kung tama kami ay paalis din si Vice patungong New York City, USA na kasama siya sa invited guest kasama sina Coco Martin at Onyok para sa ASAP20, Live in New York sa September 3 sa Barclay Center, Brooklyn.

Nagtanong kami sa kampo ni Vice, “hindi gumagamit si Vice ng party drugs, social drinking lang ‘yun, at saka paano siya makaka-awra (makakapag-flirt) kapag ngenge na siya?”

Hirit din ng isa pang kasama lagi ni Vice, “alam mo napaka-imposible talaga, si Vice pa, eh, galit nga ‘yan sa mga gumagamit.  At saka maski i-check nila, wala siya sa watch list ‘no?”

Samantala, may report naman ang ABS-CBN news na nakapagpa-drug test na raw ang 40 artists ng Star Magic at tatlong artista pa lang ang may 100% resut na negatibo at ito’y sina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, at Enrique Gil.

Ang mga hindi pa pinangalanang 37 artists ay muling dadaan sa iba pang series of tests.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …