Thursday , June 4 2026

PH pinaangat ni Presidente Digong Duterte

TALAGANG  maipagmamalaki ang bansang Filipinas ngayon dahil sa sunod-sunod na huli ng NBI at PNP sa pamumuno ni Director Atty. Dante Gierran at  C/PNP Dir. Gen. Bato De La Rosa ng mga droga at mga baril.

Kakaiba talaga ang pamumuno ni Pangulong Duterte.

He wants to destroy drugs menace in this country. Ayaw niya na marami ang masisirang buhay dahil sa droga.

Dapat talagang makipagtulungan ang mga civilian kung may nalalaman pa silang mga drug lord at pusher para mapadali ang paglalansag sa mga salot sa ating bansa.

Tama si Pangulong Duterte sa kanyang desisyon na ‘patayin’ ang mga salot kapag nanlaban at malalagay sa alanganin ang pulis.

Pero kapag ang pulis ay pumatay ng adik at pusher na isang asset pala niya para mapagtakpan ang pagkakasangkot sa droga, siguradong may kalalagyan sila!

Hindi konsintidor si Pangulong Duterte.

***

Magaling si President Duterte, mabait at makatao. Ayaw niya ng bolero. At para sa kanya he means  business.

Inaalala niya lagi ang 16 milyon Filipino na bomoto sa kanya.

Buti at nariyan lagi si Dir. Gen. Bato na handang magpakamatay para sa bayan. At talagang sasamahan si President Duterte kahit ano ang mangyari.

Ganoon din kay Atty. Dante Gierran ng NBI. Laban ni Presidente, laban din niya kaya pride sila ng Davao City.

Ganoon din ang pananaw ni Sen. Migz Zubiri na dapat papurihan ang pulis sa ginagawang anti-illegal drug campaign.

Pero sa mga scalawag, tiyak may kalalagyan kayo.

***

Binabati namin ang NBI anti-illegal drugs division dahil sa sunod-sunod na huli nila sa illegal drugs.

Give thanks to the holy one, sunod-sunod ang accomplishments ng NBI.

Gusto rin natin purihin ang NBI Davao sa pangunguna ni Atty. Arnold Rosales na tumutulong kay President Duterte sa lahat ng oras.

Malaking huli ang ginawa ng NBI ngayon. Nahuli ang mga sindikato ng African drugs sa ating bansa. Alerto at magagaling ang anti illegal drugs ng NBI sa pangunguna ng kanilang hepe na si Atty. Joel Tubera.

Mabuhay PNP at NBI, you’re the best!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …