NATANONG si Ai Ai delas Alas ukol sa kung balak na ba nilang pakasal ng boyfriend niyang si Gerald Sibayan?
Sinabi ni Ai Ai sa interbyu sa kanya na wala pa silang balak ng kanyang boyfriend. “Hindi pa, matagal pa. Kasi mag-iipon pa siya, eh. ‘Yun ‘yung gusto niya,” na ibig sabihin pala’y isang magandang kasal ang gusto niya kaya kailangan talagang pag-ipunan ni Gerald.
Ani Ai Ai, sakaling ikakasal na siya’y gusto niyang sa simbahang ipinagagawa niya sa Commonwealth.
“Hihintayin ko siyang magawa. Gusto ko talaga roon. Basilica ‘yun, eh,” sambit pa ni Ai Ai at idinugtong na baka, “Four years pa, matagal pang magawa ‘yung simbahan.”
On-going pa ang construction ng simbahan at may mga tumutulong at nagdo-donate naman para makatulong sa pagpapagawa.
( M.V.N.)