Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, iniiwasan si John Lloyd

HINDI namamatay ang isyu kina John Lloyd Cruz at Maja Salvador dahil namasyal na naman sila after ng event ng ABS-CBN 2 sa Davao City. Hindi raw kaya may something na ang dalawa kung ang pagbabasehan ay ang mga larawan nila na kumakalat sa social media?

Pareho namang single sina Lloydie at Maja kaya posible ring magkaroon ng relasyon ang dalawa kung gugustuhin nila.

Anyway, Home Sweetie Home pa rin ang pinagkakaabalahan ni John Lloyd. Kakaiba ang episode ngayong Sabado dahil si Toni Gonzaga (Julie) ang nangangalabit sa asawa. Mas magana siya ngayon makipag-”stretching” kay Romeo (JLC) . Pero pansin din niya na tila iniiwasan din siya ng kanyang asawa tuwing nagyayaya siya. Ano kaya ang dahilan ni Romeo? Mapapanood din ngayon na laging bad mood si Julie sa asawa at may talakan blues na.

Ano kaya ang mangyayari? Guest ngayong Sabado si Ricardo Cepeda.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …