Samantala, tinanong din si direk Ruel tungkol kay Vivian Velez na kakaumpisa pa lang ng Tubig at Langis ay nagpaalam na dahil sa isyu nila ni Cristine. Willing pa ba nilang makatrabaho ang nag-iisang Body Beautiful?
“Oh, yes, she’s an amazing actress, I’d love to have her again, and she’s a wonderful-wonderful actress. It was just unfortunate, but lahat kami sa team ay naniniwala that we will be working with each other again. In fact, nakarating sa akin thru Nadia (Motenegro, one of the cast) that she’s sincerely happy for the show and ‘yun ang ibig kong sabihin.
“Para sabihin niya ‘yun, ibig sabihin, masaya siya for us dahil alam niya na ang tagumpay nito ay malaking bahagi rin siya,” sabi ng bossing ng programa.
Sa kabilang banda, apat na linggo pang mapanonood ang Tubig at Langis sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Doble Kara sa ABS-CBN at ABS-CBN HD Skycable channel 167.
FACT SHEET – Reggee Bonoan