Thursday , June 4 2026

Aiza Seguerra, Liza Diño itinalaga ni Duterte (Sa NYC at Film council)

HINIRANG ni Pangulong Rodrigo  Duterte ang singer-actress na si Aiza Seguerra bilang pinuno ng National Youth Commission (NYC) sa loob ng susunod na tatlong taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, itinalaga rin ni Pangulong Duterte ang partner ni Aiza na si Mary Liza Diño bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines na may terminong tatlong taon.

Tumulong si Aiza at partner niyang si Liza sa presidential campaign ni Pangulong Duterte noong May 2016 elections.

Pinalitan ni Aiza si former NYC chairman Gio Tiongson na pinamunuan ang ahensiya mula 2014-2016.

Nakatakdang manumpa si Aiza kay Pangulong Duterte bilang chairperson ng NYC sa darating na Martes.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …