Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
vice ganda coco martin

Pag-spoof ng Girl In The Rain nina Coco at Vice, nakaaaliw

00 fact sheet reggeeALIW ang pagkaka-spoof nina Vice Ganda at Coco Martin sa pelikulang Girl In The Rain nina Bea Alonzo at Enrique Gil sa episode ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Martes ng gabi at talagang tawa kami ng tawa para kaming eng-eng ha, ha, ha.

Si Coco bilang si Cardo ang nagpalit ng gulong ni Vice as Ella habang umuulan at noong natapos at pag-angat ng una ay ang dibdib ng huli ang nabungaran niya na talagang nabighani siya sa ganda.

Sabi nga ni Cardo kay Benny (Pepe Herrera), “Ang tangkad, ang haba ng legs. Hayop! Hayop sa kagandahan.”

Sa tagal nga naman ng pag-ere ng programa ay ngayon lang yata nabighani si Cardo sa kanilang guest na talagang inisip-isip pa niya hanggang sa pag-uwi at inaamoy-amoy ang maong na jacket ni Ella na sadyang iniwan para magkaroon daw sila ng contact.

Walang alam sina Vice at Coco kung ano ang pagkatao ng bawat isa kaya tiyak na magkakagulatan sila kapag nalaman nilang magka-away pala sila.

Samantala, bitin kami sa episode na si Lee O’Brian na boyfriend ni Pokwang naman ang nilalandi ni Vice at talagang artista nga ang una dahil walang effort ang acting niya habang pasulyap-sulyap siya kay Ella (Vice).

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …