MAINAM na maglagay sa opisina ng natural mineral specimen na may awesome energy upang makatulong sa pagpapataas ng energy levels habang nagtatrabaho.
Narito ang 5 stones na mainam sa inyong office space:
Ang pyrite ay no. 1 crystal para sa ano mang opisina dahil ito ay nagdudulot ng crisp, fresh, happy and disciplined energy. Ito ay puno ng optimism at stamina, at nakatutulong sa pagpapalinaw ng naguguluhang isipan.
Ang hematite ay may very cooling energy na maaaring maging proteksyon. Dahil ang workspaces ay puno ng stressful energy na dulot ng high EMF levels, indoor pollution, gayondin ng iba’t ibang potentially negative human emotions, ang isang piraso ng hematite ay maaaring magamit para ikaw ay mapakalma at mapayapa.
Ang stunning fossil ay nakatutulong sa pagpapadaloy ng stagnant, stuck energy. Ito ay maganda sa alin mang lugar kaya hindi mahahalata na gumagamit ka ng feng shui para makabuo ng better energy sa iyong opisina.
Ang black onyx ay nagbibigay ng supportive, strong and stable energy na mapakikinabangan ng sino man. Ito ay makatutulong sa iyo para magpursige at mapananatili nito ang pagiging malinaw at kalmado ng iyong isip. Makatutulong din ang solid stone na ito na manatili kang naka-focus sa tunay na mga prayoridad.
Ang warm and joyful carnelian ay ginagamit dahil sa energy activating qualities nito, gayondin sa grounding and protective qualities. Ito ay nagdudulot ng warmth and friendly energy sa ano mang space, pupunuin ito ng humble joy and happiness. Pinanatili rin nitong malinaw ang mga prayoridad.
ni Lady Choi